_pang-masa
^
Regine napapagod sa nararamdamang sakit!
Regine

Regine napapagod sa nararamdamang sakit!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

Pinayuhan na si Regine Velasquez na kumonsulta na sa doktor matapos siyang mag-post kahapon na since Thursday ay masakit ang ulo niya. Para nga kasing naniningkit na rin ang mata ni Asia’s Songbird.

“Since Thursday morning aaauuuooogghhhh!!!!!!! My head feels hot like really hot then I get the stupid migraine . when the pain goes down the whole day my head feels heavy hanggang shoulders then repeat pajulit julit lang. I’m so tired of the pain,” ang buong caption niya kahapon.

Nababanggit na dati pa ni Regine, may migraine siya. Meron ding acid reflux ang magaling na singer na misis ni Ogie Alcasid.

Pokwang, parang nananaginip pa

Isang panaginip kung ide-describe raw ng pinakabagong Kapuso star na si Pokwang ang tambak na blessings na kanyang natatanggap mula nang lumipat siya sa GMA Network. Pahayag ni Pokwang, “Answered prayer na may nakalinya po na drama rin, so grateful and thankful. Sobrang excited na ako gawin ang mga projects na naka-ready for me...parang panaginip.”

Lubos ang pasasalamat niya sa mga papara­ting na proyektong ipinagkatiwala para sa kanya. Una na siyang napanood noong Linggo sa The Boobay and Tekla Show kung saan enggrande ang naging pagsalubong sa kanya at nagkaron pa ng nakakaaliw na kuwentuhan kasama ang mga host.

Abangan din ang nakalinya niyang episode sa anniversary special ng programang Wish Ko Lang.

Pumirma ng kontrata si Pokwang noong Biyernes sa ilalim ng GMA Artist Center.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with