_pang-masa
^

Ibang celeb na tatay na ‘di binati ng mga anak, masama ang loob!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

Salve A., ask kita kung sino ang dapat sisihin kung lumaking hindi magkakasundo ang ama at kanyang mga anak.

Sa katatapos na Father’s Day event, marami sa ating mga amang artista ang naghihinanakit na hindi man lang nag-bother batiin sila ng kanilang mga anak.

In fairness, however, let’s not name names.

Pokwang, ideal father ang tingin sa mister

Para kay Pokwang ideal father ang American partner niya, Lee O’Brien, to their nearly four-year-old daughter, Malia.

Malia, who, ngayon pa lamang, possesses the look of a future artista, is fluent na both in Tagalog and English.

Si Lee raw ang matiyagang tumu-tutor sa bata.

And not because wala siyang ginagawa, may business both sila ni Pokwang na siya ang higit na nag-aasikaso.

He is equally a good stepdad din sa kanyang anak, 25, na si Ria Mae, isang magaling na chef. Isang Hapones ang ama ni Ria Mae, na nagtapos ng Culinary Arts, partly sa France, yes, France in Europe.

Pokwang will be busier than thou in the following months, as kapipirma niya ng contract sa GMA 7.

Star Magic talents na ‘nagliliparan’ sa ibang network, pinalitan ng mga baguhan

Well, no worries for the Kapamilya, if several of their older talents are now with GMA 7. Again, let’s not name names.

Grabe ka-promising ang 40 or more talents na kapipirma ng kontrata, na ang current head ng ABS-CBN TV productions ay ang guwapong si direk Lauren Dyogi.

Knowing direk Lauren, ‘di muna niya, kumbaga, ‘pakakawalan’ sa limelight ang mga ito, until they attend the required acting workshop. Na siyang utmost asset ng mga Star Magic talents, na “nagliparan” na ngayon sa ibang network.

Well, good luck, direk Lauren.

Sec. Mark, may pinagmanahan

Huwag tayong magtaka, Salve A., if Mark Villar, currently the seating secretary of Department of Public Works and Highways, decides na tumakbo for a political office in elections 2022.

For one, may pinagmanahan siya. His dad, billionaire Manny Villar, once sat as Senate President. His mom, Cynthia Villar, is an incumbent senator.

Married din siya to smart lawyer Emmeline (formerly Aglipay), incumbent Justice Undersecretary. Aged 42, Secretary Villar studied at the University of Chicago in Pennsylvania, USA. He and wife, Justice Undersecretary Emmeline, have an only daughter, Emma Therese.

POKWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with