_pang-masa
^
Ken at pamilya, umaming tinamaan din ng virus!
Ken

Ken at pamilya, umaming tinamaan din ng virus!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

Naging madamdamin ang first part ng noontime variety show na All-Out Sundays sa episode nilang #AOSHealTogether na matapang nilang iniharap ang ilan sa Kapuso artists na ngayon ay COVID-19 survivors. 

Nanguna si Michael V. na nang tamaan ng COVID-19 ay hindi niya itinago ito. Sabi nga ni Bitoy, “pagdating sa COVID-19, pantay-pantay tayong lahat, totoo ang takot na pagdaraanan, pero huwag tayong matakot, dahil sa suporta ng pamilya natin at manalig na hindi tayo pababayaan ng Diyos at malalagpasana natin ito.”

Nag-positive rin sina Ken Chan, at ang fa­mily nito, si Rita Daniela, si Boobay, si Rhian Ramos at ang handler nito, ikinuwento nila kung paano sila lumaban sa sakit na ito, na naapektuhan ang work nila that time. Kaya naglunsad ang show at GMA artists ng isang fund campaign para makaipon ng donations para sa mga COVID-19 patients, sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation, Inc., kaya tiyak na anumang tulong na ipagkakaloob ninyo ay tiyak na magagamit para sa COVID-19 patients.

Alden, nagpatikim sa bagong serye

Nalalapit na ang airing ng bagong teleserye ng GMA Network na The World Between Us na nagtatampok kina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, kaya may mga teaser na ng show na lumalabas. Marami nang nagtatanong kung ano ba ang story at kung ano ang character na gagampanan ni Alden. Kaya nagpatikim naman si Asia’s Multimedia Star ng role niya: “Ako rito ay si Louie, hardworking student, matalino, masipag sa buhay. Kaya lamang may mga unfortunate events na nangyari sa kanya na nag-push pa sa kanya even further to his limits.” Mababago ba ang buhay ni Louie?

Nasa second cycle na ang lock-in taping ng The World Between Us, na mapapanood na simula sa July 5 sa pamamagitan ng world premiere at 8:00 p.m. sa GMA Network at sa GMA Pinoy TV, kapalit ng First Yaya na ngayon ay nasa last two weeks na lamang.

Heart, napapagod sa trabaho

Bukod sa nalalapit na lock-in taping ni Heart Evangelista ng GMA upco­ming fashion-romantic-comedy series na I Left My Heart in Sorsogon, ay busy rin siya sa pagpapatayo ng sarili niyang beauty company. Ipinaalam niya ito sa kanyang fans and followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

May mga nagtanong kay Heart na supporters niya kung hindi raw ba siya napapagod magtrabaho. Sinagot naman niya ito na napapagod din siya, “but I have so much on my plate that I can’t afford to sit pretty. I am so determined to achieve my goals in life and I know I can do it.”

Uminit na naman ang social media ni Heart nang mag-upload siya ng photo niya wearing a branded one piece bikini. Puring-puri si Heart ng fans at celebrity friends niya. May nag-comment pang ang Louis Vuitton bikini ay worth $800 or more or less, ay P40,000.

Anyways, sa I Left My Heart in Sorsogon makakasama ni Heart ang new Kapuso actor na si Richard Yap na masaya dahil first time raw lamang niyang makapupunta sa Sorsogon, at si Paolo Contis.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with