_pang-masa
^
Kris bongga pa ring mag-shopping, naghahanap ng magiging stepdad ng mga anak
Kris

Kris bongga pa ring mag-shopping, naghahanap ng magiging stepdad ng mga anak

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

Bongga pa ring mag-shopping si Kris Aquino.

Nakita ko sa IG account ng kanyang personal shopper ang in-order niyang mga Balenciaga shoes.

Parang one dozen ata ‘yun.

Eh magkano ang isang pair ng nasabing luxury brand shoes, almost 40k in pesos.

Anyway, kahapon ay nagbigay din siya ng update na umepekto na ang bakuna sa kanya at may antibodies na siya. “i didn’t post anything kasi yung 1st blood panel ko wasn’t good (as i said marami kayong problema so my health issues shouldn’t be your concern) and i said i’d give you an update kung may antibodies na ko… so i kept quiet & waited because w/ the vaccine i chose mas matagal (and i’m assuming it’s also because of all my underlying­ health issues) so it took me close to 4 weeks to develop Covid-19 antibodies BUT yes, now i have them,” bahagi ng post niya kung saan binati rin daw siya ng dalawa niyang anak ng Happy Father’s Day.

Sinabi rin niya sa naturang post na meron siyang pinaghahandaan at kailangang healthy siya. “i have 2 commitments with brands i really wanted to work with so i’ll finish those next week… then i’m taking a short sabbatical because may paghahandaan and i won’t be able to give that my 100% kung hindi ako healthy.”

Sa continuation ng post ni Kris ay sinabi niya ring tinapos na niya ang matagal nang bahagi ng kanyang buhay na finally ay ‘the end’ na.

Tukoy kung sino ang sinasabi niya, pero hindi niya pinangalanan na pinuntahan niya sa lock-in taping para personal na batiin ng happy birthday at ibinigay ang regalo at sulat niya rito.

Ngayon ay naghahanap siya ng bagong magiging stepdad ng kanyang mga anak. “He doesn’t have to be rich or famous, better nga kung hindi sya public figure… basta tama ang values, madasalin, may integridad, matalino, at masipag, answered prayer na sya. i’ve achieved all my dreams, it’s now my turn to focus on what really matters- trying for my sons get the father figure they never had.”

K-Drama na Lie After Lie mapapanood sa GMA

Mag-uumpisa na ngayong mapanood sa GMA 7 ang 2020’s surprise hit Korean drama series na Lie After Lie sa Telebabad block.

Susundan nito ang compelling story ng buhay ni Eunice (Lee Yu-ri), a daughter-in-law of a powerful chaebol family, who suddenly becomes a murderer, after being charged for alle­gedly killing her husband. Sa kulungan, ipanganganak niya ang daughter na si Emma.

Her mother-in-law Diana (Lee Il-hwa), does everything to take Emma away from Eunice. After a decade, lalabas ng kulungan si Eunice at ang kanyang ultimate goal is to be reunited with her daughter. 

In her quest to reunite with her daughter, Eunice approaches Anthony (Yeon Jeong-hun), who has adopted Emma, and pretends to fall in love with him to become the stepmother.

Ang kanyang kasinungalingan kaya ang magbibigay sa kanya ng second chance sa buhay?

 Mapapanood ang Lie After Lie after Endless Love on GMA Telebabad. Ito bale ang naging kapalit ng Heartful Cafe.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with