_pang-masa
^
John Lloyd, kapiling ang anak sa Fatherâs Day
Elias at John Lloyd

John Lloyd, kapiling ang anak sa Father’s Day

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

Mukhang finally ay nakasama na ni John Lloyd Cruz ang anak na si Elias sa pagdiriwang kahapon ng Father’s Day.

Nag-post si Lloydie ng larawan ng bonding moment nilang mag-ama kahapon sa Instagram. Sa photo ay makikitang pasan ng aktor si Elias na napakagandang tingnan.

Walang caption na inilagay si Lloydie sa larawan at binigyan lang ng credit ang kumuha ng larawan.

May netizen na nag-comment na nasa Boracay daw ang mag-ama.

Matatandaang noong first week of June ay nag-post si JLC na nami-miss na niya ang anak.

Ken, matagal nang idolo si Dennis

Dahil nga kapansin-pansin na pahusay nang pahusay si Ken Chan sa bawat proyektong ibinibigay sa kanya sa GMA 7, marami ang nagsasabing siya na raw ang next Dennis Trillo.

Ano ang reaksyon ni Ken tungkol dito?

“Wow! Siyempre, nakakataba po ng puso,” anang Kapuso actor sa virtual mediacon ng Ang Dalawang Ikaw na bagong serye nila ni Rita Daniela sa GMA 7. “Isa po sa mga iniidolo ko si kuya Dennis, dahil isa po sa mga unang ginawang teleserye ko, siya po ‘yung kasama ko, ‘yung sa Biritera po at nakita ko po kung gaano kahusay si Kuya Dennis doon.

“Hindi pa nga po ako artista, idol ko na po si Kuya Dennis dahil sa mga ginawa niyang roles dati. Nag-play na rin po siya ng isang transgender, nag-play na rin po siya ng merong mental health problem, at isa rin po siya sa mga iniidolo ng mga artista at isa na po ako ro’n. At masabihan po na maihalintulad ako sa kanya, isang napakalaking karangalan po nu’n.

“Kung ‘yun po ang tingin ng mga tao, pero para sa akin, parang ang layo pa, sobrang layo pa po. Pero gagamitin ko po ‘yun, panghahawakan ko po ‘yun para mas galingan ko pa po,” sey ni Ken.

Minsan pa ay ipakikita ni Ken ang kahusayan sa pag-arte sa Ang Dalawang Ikaw kung saan ay ginagampanan niya ang papel ng isang lalaking dumaranas ng Dissociative Identity Disorder (DID) at may dalawa siyang magkaibang katauhan na sina Nelson at Tyler.

Magsisimula ang Ang Dalawang Ikaw ngayong Lunes, June 21, sa GMA Afternoon Prime.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with