_pang-masa
^
Producer, gusto nang umatras sa aktor na tuloy ang pagbibisyo!
Alexa

Producer, gusto nang umatras sa aktor na tuloy ang pagbibisyo!

Gorgy Rula (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Totoo kayang gustong umatras ng kilalang producer na balak ipag-produce ng isang magandang show ang magaling na aktor? Nung una ay sobrang excited siya at talagang ikinukuwento na sa mga nakakausap niya na itutuloy niya ito.

Pero ang latest na nabalitaan namin, hindi na raw siya interesado. Ang dahilan, nalaman daw ni producer na hindi pa rin nakakawala si magaling na aktor sa dati niyang bisyo.

Kung ano ‘yung bisyong iyo ay ayaw nang sabihin sa amin ng aming source. Pero may duda na kami kung ano ito.

Direk Erik Matti, may ginawang soft porn movie

Matagal na palang balak ni direk Erik Matti na gumawa ng isang pelikulang tumatalakay sa isyu ng mga kabataan ngayon. At dito nabuo ang isang digital movie na A Girl + A Guy na kung saan na-inspire siya sa dalawa niyang anak na babae. Hindi raw niya kasi ma-gets ang mundo ng mga anak niya na iba talaga ang henerasyon nila ngayon.

“You’ll see in the movie with how comfortable everyone is... physically and I think that’s what I wanted for movies in general in the Philippines to be more casual about showing skin, showing nudity. Parang naiwan na tayo sa dark ages na parang naging ‘tita’ na lahat ng tao eh.‘Yung parang nakakita ng cleavage bawal, hindi na uso ngayon eh.

“I think we need to let go the stigma of people taking off their clothes, I think even on Instagram, you’ll see it all over the place. We don’t get shocked anymore.

“This movie, A Girl + A Guy liberated me in a way, not just because I felt there were no rules in making the movie. I always wanted to do a movie where hindi ko iisipin kung kaliwang boobs lang ba lumabas or kalahating puwet lang ang ipakita. If it’s needed in the story, why can’t we show anything?” pahayag ni direk Erik Matti.

 Kaya kung sasabihin man ng iba na parang soft porn na ang pelikulang ito, dapat daw ay panoorin daw muna bago husgahan.

Ayaw din ni direk Erik na i-compare ang pelikulang ito sa iba pang pelikulang naipalabas sa ilang streaming sites. Bida rio ang mga baguhang artista ng Upstream Original na sina Rob Gomez at Alexa Miro, na walang takot sa mga mapangahas na eksenang ipinagawa sa kanila. Si Rob pala ay anak ng dating aktres na si Kate Gomez, ang kapatid ni Gary Estrada. Bale lolo niya si George Estregan na ipinagmamalaki niya.

Proud na proud si Rob sa kanyang lolo nang mapanood daw niya ang pelikulang Nunal sa Tubig. Sa tingin daw niya ay hindi niya kayang pantayan man lang ang galing ng kanyang namayapang lolo.

Mapapanood na sa June 24 itong A Girl + A Guy na i-stream sa Upstream PH.                                                                                 

ERIK MATTI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with