_pang-masa
^
Jurald natakot sa bakuna!
Gerald at Julia

Jurald natakot sa bakuna!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 20, 2021 - 12:00am

Sabay na nagpabakuna kontra COVID-19 ang magdyowang sina Gerald Anderson at Julia Barretto last Friday.

Naka-post sa Instagram ng Jurald official fanpage ang video ng pagpapaturok ng dalawa.

Sa video ay makikitang si Julia ang nakasalang para turukan at sinabihan si Gerald ng isang lalaki na hawakan daw ang girlfriend na sinunod naman ng aktor.

Lumapit si Gerald kay Julia at magka-holding hands sila habang tinuturukan ang aktres. Pero mukhang mas takot pa nga ang aktor dahil ang layo ng tingin niya habang tinutusok ang GF.

Kantyaw ng isa, “’yung hinawakan ka pero ang layo ng tingin.”

Caption fanpage sa video, “Sana ol may ka HH! ramdam ko ung pa tusok ni nurse! Yung supportive ka pero takot karin.. hahaha!”

Shawie, hindi nahihiyang sabihing cougar!

Tinatawanan na lang ni Sharon Cuneta ang mga bashers niya sa trending at nag-viral na mga larawan ng tequilla body shot nila ni Marco Gumabao na eksena sa pelikulang Revirginized.

Matatandaang nag-post ang direktor ng Revirginized na si Daryll Yap ng tatlong larawan sa Facebook page nito na kuha mula sa beach party scene ng pelikula.

Sa nasabing scene ay makikitang halos lumuwa na ang boobs ni Sharon sa kanyang suot at dinilaan pa niya ang asin sa dibdib ni Marco.

Bagama’t marami ang na-shock na hindi sanay makita si Sharon sa ganu’ng eksena, at the same time ay na-excite rin naman sila at nagsabing panonoorin nila ang movie. Ang dami ring napa-“sana all” at “oh my God” sa mga nasabing larawan.

Pero may mga netizen na hindi nagustuhan ang ginawa ni Sharon at ‘nahalayan’ sa eksena. Sey ng isang basher, ‘nagwawala’ na raw ang aktres dahil laos na. May nagkomento ring late bloomer daw si Megastar.

Sa kanyang Instagram ay nirepost ni Sharon ang isang post ng fan na nagsasaad na nag-trending ang Megastar sa Twitter sa topic na “Mega is Revirginized.” Needless to say ay masayang-masaya si Shawie at tinatawanan lang ang mga bashers.

“O Pawi basta napag-usapan na natin ha. Papanagutan mo itong pagbubuntis ko daw sabi ng mga walang magawang sinungaling! Basta agree na tayo akin lahat ng may polka dots ha?! Hahahahahaha!”  bungad ng caption ni Sharon. Ang tinutukoy niyang Pawi ay ang karakter ni Marco sa pelikula.

Patama pa niya sa bashers, “wawa naman tayo Pawi pero mas wawa sila! Aba proud ako machismis na boypren kita! Ibig sabihin pwede pa ko macrush ng mga puede ko i-cougar! AHAHAHAHAHAHA!”

Sey pa niya, dedma na lang daw siya sa bashers.

“Bashers din ang di nakakarealize na kinacanfeerm nilang kyut pa ko! Hahahahahaha! Basta I will believe you and I will not mind them. And I will keep reminding myself that “i still got it!” HNAAAAAAAKS!!!

“Di kasi muna mag-isip mga bashers na yan! Sabi nga ni Direk - “Bakit ang mga bashers ampapanget?!” Hahahahahahaha!!” saad pa ni Mega.

Sa isa pang post ay nagbigay naman si Sharon ng mensahe sa kanyang mga bashers.

“At sa mga bashers, pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!” sey niya.

GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with