_pang-masa
^
Solenn, noon pa pangarap ang malaking garden
Solenn

Solenn, noon pa pangarap ang malaking garden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 20, 2021 - 12:00am

Inamin ni Solenn Heussaff sa isang interview na bata pa siya, gusto na niya ang bigger area na tirahan nila, kaya ngayon feeling niya ‘real’ na ang childhood dream niya.  Yes, ngayon daw ay nakatira sila sa isang bahay, pero wala pa rin ang pangarap niyang enough space for a garden, tulad nang gusto niya.

Ang asawa naman niyang si Nico Bolzico, very excited daw sila ng misis dahil “this is the first time we’re gonna build anything in our lives.  It’s a milestone for a couple to build our own house.  It’s something we’ve dreamed of since we got married. It’s “a reflection of our marriage” because 95% of the decisions were made by Solenn.”

Kaya in between ng pagti-taping ni Solenn ng kanilang Taste Buddies ni Gil Cuerva, for GTV, na kung saan-saang lugar ng bansa sila pumupunta para ipakita ang kagandahan at masasarap nilang pagkain, lagi rin niyang binibisita ang construction ng kanilang bahay.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng ground breaking ang pagtatayuan nila ng bahay.

Movie ni Michael V. swak sa Father’s Day

Tamang-tama ang GMA Network sa pagsasabing Father’s Day treat nila sa mga ama at sa kani-kanilang pamilya ang TV premiere ng Family History na directorial debut ng multi-awarded comedian and content creator na si Michael V ngayong Sunday.

Ang movie ay tumanggap ng Natatanging Pelikulang Pampamilya special award from the 4th Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Awards, in 2020.

Story ito ni Alex dela Cruz (Michael V), a happily married man nang dumating sa buhay nila ang life-changing disease ng asawa niyang si May (Dawn Zulueta).

Mapapanood ito ngayong Father’s Day, pagkatapos ng All-Out Sundays, sa GMA-7.

‘Shy Singer’ pinaluha ang EB

Ginulat ng Eat Bulaga ang mga finalist ng Bida Voice Grand Finals nang after nilang kumanta ay tinanong sila kung pwedeng ipakita na nila ang sarili nila, hindi na tulad nang magsimula sila na madilim ang studio at hindi sila nakikita ng televiewers. Iyon daw ay naging pampalakas ng loob nila na hindi sila nakikitang kumakanta.

Pero tinanong sila ni Jose Manalo, pagkatapos ng performance nila kung papayag silang magpakita na sa televiewers, pumayag naman sila kaya nang muli silang umawit ay nagliwanag na ang stage at nakita na sila nang personal.  Humirit muli si Jose kay Shy Singer, ang musician at nag-areglo ng mga kinanta ng mga contestant, kung papayag din ba siyang magpakita? Matagal bago pumayag si Shy Singer nang magsimula siyang tumugtog at kumanta habang tumutulo ang luha. 

Naging teary-eyed lahat sa studio nang ikuwento ni Shy Singer na ito raw ang muling nagbukas sa kanya ng pag-asa, dahil sa pandemic na pinagdaraanan natin ngayon.

Naging board of judges sina Ms. Lani Misalucha, Arnel Pineda at Nonoy Zuniga.

SOLENN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with