_pang-masa
^
Mike Tan, tumibay ang bonding sa mga anak
Mike

Mike Tan, tumibay ang bonding sa mga anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 20, 2021 - 12:00am

Marami na raw sinakripisyo ang Kapuso actor na si Mike Tan para mapatunayan sa kanyang pamilya na kaya niyang maging responsable at mabuting ama ng tahanan nila.

Dahil sa dalawang magkasunod na babae ang anak ni Mike, gusto niyang parati siyang kasama ng mga ito. Kaya noong nagkaroon ng pandemic, mas tumibay raw ang bonding niya sa mga anak niya.

“Unti-unti akong natuto na maging isang ama. Kasama no’n ay kailangan may mga i-give up ka para sa kanila. Before the pandemic, tumigil na ako na makipagbarkada dahil gusto ko after work, uwi agad ako. Pati yung usual routine ko na mag-workout, paminsan-minsan na lang din. Gamer din ako, kaya panakaw na lang yung paglaro ng mobile games. Pero worth it naman lahat dahil para iyon sa mga anak ko,” sey ni Mike.

Ngayong Father’s Day, baka mag-bake na lang daw si Mike ng cake at magluto siya para ma-celebrate nila ang okasyon.

“Bawal pa kasing lumabas ang mga anak namin ni misis. Kaya sa bahay lang kami mag-celebrate ng Father’s Day. Tutal ako naman yung kusinero!” tawa pa ni Mike na mapapanood soon sa teleserye na Nagbabagang Luha.

Kasal ni DJ MO sa kapwa DJ, inabot ng disaster!

Kahit nagkaroon ng mga aberya, hindi sumuko sina DJ Mo Twister at Angelicopter na matuloy ang dream wedding nila sa Iceland noong nakaraang June 15.

Sa Instagram, pinost ni DJ Mo ang litrato nila ni Angelicopter na kuha sa Skaftafell sa Vatnojökull National Park. May kuha pa ang newlyweds sa famous Svartivos falls.

Pinlano raw ng mabuti ng dalawa ang destination wedding nila. Pero inabutan daw sila ng summertime snow storm sa Iceland. Sey ni DJ Mo: “Here’s a tip about getting married in a far away wilderness like Iceland. Have not one but two backup plans for the second time we have been here together, things we had scheduled a long time ago were cancelled by weather. We had some extreme weather that made us have to completely overhaul the entire day. Where we scheduled to have our ceremony, changed due to a summertime snow storm.”

Kahit may snow storm, tinuloy pa rin ng dalawa ang wedding nila kahit na basang-basa na ang wedding suit ni Mo at napunit na ang wedding gown ni Angelika. “We moved to several locations, the kids nearly froze to death, they had to stay in the hotel cuz they just couldn’t handle the weather any longer, then like a miracle, we found a bright, calm and SUNNY spot wherein it ended up with just the two of us,” sey ni Mo.

Parehong based na sa New York sina DJ Mo at Angelicopter. Na-engaged sila noong May 2020 after eight years sa relasyon nila.

MIKE TAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with