_pang-masa
^
John Lloyd naintriga nang bakunahan
John Lloyd

John Lloyd naintriga nang bakunahan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 19, 2021 - 12:00am

Nagka-issue pala ang pagpapabakuna ni John Lloyd Cruz kasama si Direk Edgar Mortiz sa MMDA office.

Na-offend diumano si Direk Joey Reyes dahil after their first jab, lumapit ang grupo ni Direk Joey para sana i-video ang message ng actor at nang mas i-encourage pa nitong magpabakuna ang marami, pero diumano’y bigla raw lumayo ang grupo nina John Lloyd and Direk Bobot at nag-dialogue na “hindi naman ito kasama sa usapan.”

At ito diumano ang rason kung bakit nag-post si Direk Joey ng “RESPECT BEGETS RESPECT. Treat me like shit and I will treat you like toilet paper.”

Pero nahilot naman daw ang mga pangyayari at nagpadala pa rin ng video message si John Lloyd na nag-iimbita na importanteng magpabakuna kontra COVID-19.

Second week of June nang i-roll out ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na organizer ng Metro Manila Film Festival ng vaccination program para sa movie industry workers katuwang ang Mowelfund. May mga binakunahan ng Sinovac at AstraZeneca.

Speaking of John Lloyd, magpapakilig muli ang tambalan nila ni Bea Alonzo dahil inihahandog ng ABS-CBN Film Restoration ang restored version ng 2010 box office hit ng Star Cinema na Miss You Like Crazy simula Hunyo 29 (Martes), 7:30 p.m. sa Sagip Pelikula Festival ng KTX.

Tampok sina Bea at John Lloyd bilang Mia at Alan at ang kanilang love story na inabot ng limang taon at dalawang bansa. Si Alan ay may halos perpektong trabaho at relasyon habang si Mia naman ay laging may problema sa pamilya. Magkaiba man ang tinatahak na landas, mag-iiba ito bigla nang magkita ang dalawa sa isang ferry boat. Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.   

Mabibili na ang mga ticket nito sa http://bit.ly/MYLConKTX sa halagang P150. 

Maliban sa Miss You Like Crazy, mapapanood din sa Sagip Pelikula Festival ang iba pang restored hits ni John Lloyd, including One More Chance,  In My Life, Dubai, at The Mistress simula Hunyo 30 (Miyerkules).

So magiging everywhere ang actor dahil oo nga at ‘di pa siya officially Kapuso, plantsado na naman diumano ang comedy show niya rito.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with