_pang-masa
^
Ken at Rita kinarir ang pagiging mag-asawa
Ken at Rita

Ken at Rita kinarir ang pagiging mag-asawa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 19, 2021 - 12:00am

Halos lahat ng entertainment press ay humanga sa acting na ipinakita nina Ken Chan at Rita Daniela sa trailer pa lang ng Ang Dalawang Ikaw, ang bagong serye nila sa GMA 7.

Sobrang challenging para sa RitKen ang bagong serye especially sa aktor dahil ginagam­panan niya rito ang isang lalaking may Dissociative Identity Disorder (DID) na may dalawang magkaibang personalidad.

Hindi madaling gawin ang nasabing role and same for Rita na gumaganap naman na asawa ng isang karakter ni Ken na si Nelson. Ipapakita naman ng aktres dito ang mga hirap at pagdurusa ng isang maybahay sa pagkakaroon ng mister na may ganitong uri ng mental disorder.

Pero sa trailer pa lang ay kitang-kita kung gaano nila kinarir ang kani-kanilang papel kaya naman mas lalo pa itong naging kapana-panabik na abangan.

Sa virtual mediacon ng Ang Dalawang Ikaw held last Thursday ay ipinahayag ng dalawa ang kanilang pasasalamat sa GMA 7 sa pagbibigay sa kanila parati ng ganito kagagandang proyekto. “Grateful talaga, pramis. Siguro ‘yun na lang ang masasabi ko. Kaya naman po, sobra rin naming ginagalingan, sa totoo lang, kasi parang hiya na lang po namin sa management at sa network dahil pinagkakatiwalaan po nila kami sa mga ganitong klaseng proyekto,” ani Rita.

Ayon naman kay Ken, talagang sobrang blessed daw nila na sa dinami-rami ng artista sa GMA ay sila ang nabibigyan ng mga ganito kagagandang role.

When asked kung sa tingin ba nila ay kinaiinggitan sila ng ibang Kapuso stars dahil nga ang gaganda ng proyekto nila, ayon kay Ken ay wala raw silang nararamdamang ganu’n.

Magsisimula na ngayong June 21 ang Ang Dalawang Ikaw sa GMA Afternoon Prime.

Pokwang, marami pang gustong gawin

Humarap na si Pokwang kahapon sa entertainment press via virtual mediacon para opisyal nang ianunsyo na isa na siyang certified Kapuso at pumirma na ng kontrata sa GMA.

Inamin ng komedyana na siya ang lumapit talaga sa GMA noong 2019 pa para kunin siyang talent.

“2019 pa kami naguusap-usap and in all fairness naman, binuksan nila ‘yung kanilang mga braso sa akin, thank you.

“Kasi siyempre, bilang isang artista, marami pa akong gustong i-share, marami pa akong gustong gawin and thankful kasi nabigyan naman nila ako ng pagkakataon na matupad ‘yun,” ani Pokwang.

Ngayong Kapuso na siya ay marami raw siyang gustong makatrabaho at isa nga sa binanggit niya si Alden Richards, Marian Rivera na nakasama na niya once sa pelikula at Jennylyn Mercado.

“Hindi ko pa nakakatrabaho si Jennylyn pero nakikita ko rin naman ‘yung mga ginawa niyang pelikula at mga teleserye niya eh, click din naman nang bonggang bongga at mahusay din naman ang ate mo, ‘di ba?” sey ni Pokwang na pumapalakpak pa.

Gusto rin daw niyang makatrabaho ang mga dating Kapamilya stars tulad ni Rayver Cruz na tuwang-tuwa nga raw nang malamang lilipat na siya, gayundin ang mga kapwa-komedyana na sina AiAi delas Alas and Eugene Domingo.

Dream din daw niyang magsama-sama silang tatlo nina AiAi at Uge sa isang morning show na mala-Sis noon nina Janice de Belen, Gelli de Belen and Carmina Villarroel at ang title naman daw ng sa kanila ay Tits bilang mga tita naman sila.

Maraming naka-line up sa komedyana pero ang isang kinumpirma niya ay ang show na pagsasamahan nila ni Michael V. na rewind daw ng Pepito Manaloto.

KEN CHAN RITA DANIELA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with