_pang-masa
^

Pokwang, may basbas ng Kapamilya execs

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 19, 2021 - 12:00am

Three-year contract ang pinirmahan ni Pokwang sa GMA Artist Center at sabi nito, siya ang lumapit sa GMA. Nagpatulong siya sa isa niyang friend para makalipat sa Kapuso, tinulungan siya at pasalamat na binuksan ng network ang kanilang pintuan at mga braso. Noong 2019 pa niya binalak lumipat sa GMA, kaya walang kinalaman na nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Binanggit ni Pokwang ang shows sa GMA kung saan siya maggi-guest na magsisimula sa Sunday (June 20) sa The Boobay and Tekla Show at hindi nga siya mababakante. Given the chance, gusto niya ng cooking show at travel show.

Inisip din nito na maganda kung ire-revive ng network ang Sis nina Janice at Gelli de Belen at Carmina Villarroel kasama sina Eugene Domingo at AiAi delas Alas. Dahil mga tita na sila, bagay daw na title ang Tits na mukhang magkakaproblema sa viewers at sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Suportado ng kanyang pamilya ang paglipat ni Pokwang sa GMA at sa araw ng kanyang contract signing, nagpa-champagne at bumili pa ng cake ang mga kasama niya sa bahay to celebrate ng kanyang pagiging Kapuso.

Nagpaalam naman siya sa mga bossing ng ABS-CBN, tinext niya ang mga ito at ibinigay ang kanilang blessings. Maganda at maayos ang kanyang paglipat, walang isyu at sa bashers na lang may isyu.

Bukod kina Eugene at AiAi, gustong makatrabaho ni Pokwang sina Marian Rivera,

Alden Richards, Jennylyn Mercado at Michael V. Kahit kanino siya isama, blessings kay Pokwang na thankful na tinanggap siya ng Kapuso Network.

Dominic at Bea, kinaiinisan sa pagpapabebe

May mga kinikilig sa style ni Dominic Roque at ni Bea Alonzo na rin na kapag nagde-date sila at may pictures sila sa kanilang date, hindi pino-post ang kanilang mga mukha. Sa halip, parte ng katawan ang pino-post gaya na lang sa latest post ni Dominic na photo na holding hands sila ni Bea ang pinost.

Pati food na in-order nila sa kanilang date, kailangang hiwalay ang posting at bahala na ang netizens pagtabihin ang post ni Dominic para malaman na magkasama silang nag-dinner.

Ayun nga, kung may mga kinikilig, may mga naiinis din dahil hindi na raw mga bata sina Bea at Dominic para sa putul-putol na posting ng mga larawan nila. Daig pa raw ng dalawa ang high school students sa pagiging pabebe. Sana raw may magsabi kina Bea at Dominic na hindi lahat naaaliw sa ginagawa nila. Kung may aaminin sila, aminin na at ‘wag idaan sa jigsaw posting.

Anna, nakipagsabayan kina Rita at Ken

Biggest break ni Anna Vicente ang gumanap na Beatriz sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Ang Dalawang Ikaw na premiere sa Monday (June 21) pagkatapos ng Eat Bulaga. Matagal na raw siya sa GMA at nagkasama pa ni Ken Chan sa Tween Academy, kaya nang malamang nakapasa siya sa audition, ipinangakong gagawin ang lahat, para hindi masayang ang opportunity na dumating at ibinigay sa kanya.

In fairness, sa trailer pa lang, makikita na ang husay ni Anna, sumabay siya kina

Ken at Rita Daniela na kanyang pinasasalamatan sa suporta sa kanya. Sumali si Anna sa 2004 Little Miss Philippines na pinanalunan ng sister ni Yassi Pressman, siya ay kasama lang sa finalist. Inisip din niyang sumali sa beauty pageant, pero 5’2” lang ang height niya, kaya sa showbiz na lang siya.

Movie nina Piolo at Alessandra, ipalalabas na

I-stream sa Netflix sa July 15 ang movie nina Piolo Pascual at Alessandra de Rossi na My Amanda. Hindi lang leading lady ni Piolo si Alex dito dahil siya rin ang director ng movie. Ang Spring Films naman ni Piolo ang isa sa producer ng pelikula at ang Cornerstone.

Cute ang working title ng movie na nakalimutan namin, pero cute ang dating. Sayang at pinalitan.

POKWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with