_pang-masa
^
Richard ayaw pa uling kumandidato
Richard

Richard ayaw pa uling kumandidato

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 19, 2021 - 12:00am

Dahil sa sunud-sunod na trabaho sa GMA, walang plano si Richard Yap na pasukin ulit ang politics next year.

Kung matatandaan ay tumakbong congressman si Yap sa 1st district ng Cebu City noong 2019. Hindi siya sinuwerteng manalo kaya pahinga raw muna ang political ambition niya. “To enter politics is to help people. Hindi lang sa Cebu but also here in Manila. It really depends on what will happen next. For now, wala pa muna because marami tayong ginagawa ngayon. Aside sa mga project natin with GMA, may mga negosyo pa tayo na inaasikaso. But who knows baka in the future something may happen in regards to politics.”

Kabilang sa mga iniidolo ni Richard na artistang pumasok sa politics ay sina Vilma Santos-Recto at Richard Gomez. Pinatunayan daw nila ang pagiging mahusay nilang leader dahil sa magandang record nila as a public servant.

Sa July na raw magsisimula ang lock-in taping ni Richard with Heart Evangelista-Escudero ng GMA romcom na I Left My Heart In Sorsogon.

Habang wala pang taping, sinusulit ni Richard ang bawat panahon na kasama niya ang kanyang mga anak, lalo na’t malapit na ang Father’s Day.

Teen stars na sina Sofia at Allen, loveteam na agad

Official loveteam na ang Kapuso teen stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay. Kilala ang loveteam nila sa social media bilang Team Jolly.

Pagsasamahin silang dalawa sa isang teleserye sa GMA bilang launch ng kanilang loveteam.

Pero hindi pa man nagsisimula, may pinagseselosan na raw si Allen. Ito ay co-star ni Sofia sa Prima Donnas na si Vince Crisostomo.

Nagselos daw si Allen noong malaman niyang binigyan ni Sofia ng special gift si Vince. Pero isang prank joke lang iyon ni Sofia kay Allen.

Nagpaliwanag naman si Allen sa kanyang pagselos.

Noong sinabi ni Sofia na prank lang ‘yung special gift niya Vince, natawa lang si Allen dahil biktima siya ulit ng prank ni Sofia.

American singers Blake Shelton at Gwen Stefani, itutuloy na ang kasal

Mukhang matutuloy na raw ang pagpapakasal ng engaged celebrity couple na sina Blake Shelton at Gwen Stefani.

Ayon sa source, nanggaling si Gwen sa kanyang bridal shower kamakailan.

May nagbabantay din sa Los Angeles home nina Blake at Gwen na baka doon gawin ang kanilang wedding. Pero wala raw activity na nagaganap sa naturang bahay.

Noong nakaraang February, ni-reveal ni Blake na on hold ang wedding dahil sa pandemic.

Blake and Gwen met on the set of The Voice in 2014, at nag-propose si Blake kay Gwen noong October 2020.

RICHARD YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with