_pang-masa
^
Mother Lily, swak ding maging national artist
Mother Lily

Mother Lily, swak ding maging national artist

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 18, 2021 - 12:00am

Ngayon ko lang naisip bakit nga pala hindi pa nabibigyan ng National Artist award si Mother Lily Monteverde. Kung may isang karapat-dapat lalo na sa movies, si Mother Lily iyon.

Ang pagmamahal niya sa showbiz hindi matatawaran. Ang mga artista na napasikat niya, mga pelikula na ginawa niya at mga tao na natulungan niya.

Unconditional ang pagmamahal niya sa showbiz at sa mga tao sa industriya.

Bigyan natin ng sapat na halaga ang nagawa ng Regal Films sa showbiz, ang nagawa ng isang Mother Lily Monteverde kaya hanggang ngayon heto at umaandar pa ang showbiz kahit pandemic.

Patuloy siya sa pag-invest kahit pa nga alam niya na hindi na magbabalik pa ang puhunan dahil nga sa sad state ngayon ng ekonomiya.

Mother Lily is showbiz, and showbiz is Mother Lily. Bigyan natin siya ng National Artist award bilang pagtanaw sa maganda niyang nagawa sa mga artista, producer at sa ekonomiya.

Ang puso ni Mother Lily ay nasa pelikula, at wala nang gaganda pang award para sa kanya kundi ang National Artist.

Maraming Pinoy, likas ang pagiging marupok

‘Yung paniniwala ng ibang bashers na kaya maganda ‘yung sinasabi mo para sa isang celebrity dahil nabigyan, naabutan, o ano pa man, ok lang. Hindi naman dapat nagki-clear ka ng issues dahil kung minsan one-sided na talaga agad ang tingin ng iba sa iyo. So kung mas gusto ko, mas type ko ang isang celebrity, so what kung ano ang gusto mong ibigay na kulay at dahilan. Bakit kailangan kong i-explain na gusto ko ito, mas mahal ko, mas paborito ko. Opinyon ko iyon, akin ang IG ko, so bakit ako mag-e-explain?
Isa sa pangit na ugali nating mga Pilipino, ‘yung mababaw ang kaligayahan natin. Kaya marami ang nagiging corrupt dahil we never forget favors. Konting nagawang mabuti sa atin, lumalambot na ang puso natin, at hindi na natin matanggihan ‘pag humingi ng favor ang nagbigay ng konting tulong sa atin.

We never qualify ‘yung no at yes, dahil puwedeng maging no/ yes at yes/no. Dahil diyan ang daming hindi makatanggi kahit pa nga minsan alam mo na mali na ‘yung gusto. Nagiging incompetent ka dahil nga gusto mong ibalik ang nagawang mabuti para sa iyo.

I admit, isa iyan sa weakness ko, ‘pag kaibigan, ‘pag close sa akin, sarado ang mga mata ko. Kasi nga mas matimbang ‘yung emosyon ko, kesa sa utak ko. So, if ever I don’t see mistakes in all my favorite people, I am sorry. Tao lang, mas matimbang ang puso kesa utak.

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with