_pang-masa
^
Kim tumakaw pagkatapos bakunahan
Kim

Kim tumakaw pagkatapos bakunahan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 18, 2021 - 12:00am

Fully vaccinated na rin si Kim Chiu laban sa COVID-19. Masaya niya itong ibinahagi sa kanyang Instagram account kahapon at sabi nga niya, ipinagdasal niya na dumating ang araw na ito dahil talagang nagka-virus scare siya. “JGH. Finally. I have prayed for this day to come! Seeing the covid19 videos last year scared me, so many “what ifs” on my mind. I made myself physically active by doing different workouts to help my™ lungs get stronger mas matinidi pa workout ko now than my marathon training before.

“But today, I am happy that I am #FullyVaccinated protection from major illness and to protect my friends, family, loved ones, and the people around me. Let’s all get vaccinated to reach herd immunity,” pahayag ni Chinita Princess.

Ibinahagi rin ng aktres ang side effects sa kanya ng Sinovac na aniya ay lagi raw siyang gutom.

“The side effect for me is I am just always hungry for five days, 5-6 meals instead of 2 meals a day, then that’s it,” sey ni Kim.

Alma pinatawad na sa upa ng landlady

Na-settle na ang problema sa pagitan ni Alma Moreno at may-ari ng condo unit na inupahan niya sa Parañaque. Ito ang latest update ni Raffy Tulfo sa kanyang programang Raffy Tulfo in Action.

Matatandaang June 2 nang iere ni Raffy ang reklamo ng may-ari ng condo unit na nagngangalang Theresa Grenard na isang OFW (Overseas Filipino Worker) sa Dubai.

Ayon kay Theresa ay hindi nagbayad si Alma ng limang buwang renta at MERALCO bill na nagkakahalaga ng P40,000.00 kaya naputulan daw ng kur­yente ang unit.

Sa bagong episode ng RTIA ay ibinalita ni Theresa na right after the airing noong June 2 ay nakipag-communicate raw agad sa kanya ang kapatid ni Ness (Alma) na si Jette at nagsabing babayaran na ang utang sa MERALCO bill.

Tinupad naman daw ang pangako ng kapatid ni Alma at nabayaran na nga ang mahigit P40,000.00 na utang sa kuryente kaya ngayon ay nai-reconnect na raw ito.

Tungkol sa upa, ayon kay Theresa ay hindi na raw niya ito pinabayaran pa. “Wala na po ‘yun, okay lang po ‘yun, wala pong problema,” sey ni Theresa.

Pinuri naman ni Raffy ang may-ari sa kabaitan dahil malaking pera rin daw ‘yung ilang buwang renta nila Alma na hindi na nito siningil.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with