_pang-masa
^
Pokwang, pipirma na sa GMA!
Pokwang

Pokwang, pipirma na sa GMA!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 18, 2021 - 12:00am

Wala nang urungan pa ang pagiging Kapuso artist ng komedyanang si Pokwang! Ngayong araw na ito ang takdang pagpirma ni Pokie ng management contract sa GMA Artist Center, huh!

Nag-guest na si Pokies sa The Boobay and Tekla Show at naging emosyonal pa siya sa segment na May Pa-Presscon.

Pero wala pang announcement ang GMA kung makakasama ang komedyana sa prequel ng sitcom na Pepito Manaloto sa pagbabalik nito sa ere.

Ang inanunsyo ng GMA ay ang pagganap nina Mikee Quintos at Sef Cadayona sa prequel bilang young Elsa na ginampanan ni Manilyn Reynes at bilang young Pepito na isinabuhay ni Michael V.

OPM rock icon Mike Hanopol, bumubuti na ang lagay

Maayus-ayos na raw ang kalagayan ng OPM rock icon na si Mike Hanopol. Ayon ito sa report ni Arnold Clavio sa kanyang DZBB radio program kahapon.

Ang balita ay nakuha ni Arnold sa singer na si Richard Merck.

Wala nang iba pang detalye sa report ni Igan Arnold.

POKWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with