_pang-masa
^
Nadine, walang masyadong kakampi!
Nadine

Nadine, walang masyadong kakampi!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 18, 2021 - 12:00am

Nabasa namin ang sentimyento ng isang fan ni Nadine Lustre na nalulungkot sila na tahimik ang mga taga-showbiz sa kaso ni Nadine at ng Viva Artists Agency. Wala man lang daw suporta si Nadine sa mga kaibigan sa industry, deadma raw ang lahat at kahit mga kaibigan ni Nadine, wala man lang nagpahayag ng suporta rito.

Ang rason lang naman ng pananahimik ng showbiz industry sa kaso ni Nadine at VAA ay dahil isyu ito ng singer-actress at ng VAA. Wala silang kinalaman at nang pumirma ng kontrata si Nadine sa VAA, wala rin naman sila at malamang, hindi sila tinanong ni Nadine kung tama bang pipirma siya sa VAA o hindi.

Sapat na rin siguro ang suporta ng fans ni Nadine at sa interview nga nito kay Boy Abunda para i-promote ang digital concert, sabi nito, she’s okay. Saka, kaya na nila ni Atty. Lorna Kapunan ang kaso niya sa VAA.

May pa-hashtag pa pala ang fans ni Nadine na kanilang ginagamit kapag nagtu-tweet sila ng anything about their idol. Ginagamit nila lagi ang #FREENadineLustre.

Maine at Marian, bago na ang manager?

Back to work na pala si Rams David after magpahinga ng ilang buwan dahil magpapalakas at magpapagaling daw siya.

Ngayon, busy na uli siya sa pagma-manage ng mga talent sa bago niyang talent management company na Artist Circle.

Ang dami nang talents ni Rams under Artist Circle gaya nina Sheryl Cruz, DJ Durano, Jen Rosendahl, Ces Quesada, Geleen Eugenio, Shyr Valdez, Mosang, Carlos Agassi, Boom Labrusca, Sexbomb, Celia Rodriguez at marami pang iba.

Tanong ng fans kung ibig sabihin nito ay hindi na siya babalik sa Triple A at hindi na siya manager nina Maine Mendoza at Marian Rivera? Concerned ang fans, lalo na ang fans ni Marian na nasanay na makita si Rams sa mga event ng aktres.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with