^

Pang Movies

Carla at Tom, tuloy ang wedding prep kahit naka-lock in

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Carla at Tom, tuloy ang wedding prep kahit naka-lock in
Carla at Tom

Iba rin ang pagiging professionals ng engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Sa kabila ng pareho silang naka-lock-in sa taping ng kani-kanilang bagong teleserye sa GMA Network, tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng updates sa coming­ wedding nila sa October, 2021.

Si Carla ay nagti-taping ng To Have and To Hold with Max Collins and Rocco Nacino in Bataan, samantalang si Tom ay nasa taping ng The World Between Us with Alden Richards and Jasmine Curtis-Smith, dito lamang sa Metro Manila.

Naka-Zoom meeting sila kapag may kailangang i-discuss tungkol sa wedding at nagpapasalamat sila na mahusay ang wedding team nila. Sa ngayon, ibini­gay pa lamang ni Tom na detail ay magsusuot siya ng suit sa wedding nila na ang theme ay white, gold and a hint of black.

Todo rin ang suporta niya sa mga desisyon ng kanyang future wife, na alam niyang lilitaw ang beauty sa kanilang wedding ceremony na simple but elegant.

Nakatakda ang wedding nina Carla at Tom sa Madre de Dios Chapel in Tagaytay Midlands on October 23, 2021.

Ken, kinumpara kay Dennis

Tinagurian na si Ken Chan bilang “new Dennis Trillo of this generation.” Napansin nila ito nang i-release na ng GMA Network ang two-minute trailer ng upcoming Afternoon Prime drama series na Ang Dalawang Ikaw na nagtatampok kay Ken bilang sina Nelson/Tyler na may dissociative identity disorder, or may split personality.

True enough, nang sinusulat pala ang script, nasa isip na nilang bagay kay Dennis ang character, matapos itong gumanap ng ganitong character sa psychological drama na Truly. Madly. Deadly. episode ng drama anthology na I Can See You. Pero hindi na raw sa age range ng soap kung si Dennis ang kukunin nila. Kailangan nila ng mas bata dahil sa story ay newlyweds ang mga bida, kaya si Ken ang napili nila, since kilala na siya sa pagganap sa breakthrough roles, tulad ng ginawa niya, ang Destiny Rose at My Special Tatay na may mild intellectual disability naman ang character niya.

Muling magtatambal sina Ken at Rita Daniela sa Ang Dalawang Ikaw, at mapapanood na ang world premiere nito simula sa Monday, June 21, 2:30 p.m. after Eat Bulaga, sa GMA 7.

Sef at Mikee, natakot at natuwa sa bagong trabaho

Takot at tuwa ang naramdaman nina Sef Cadayona at Mikee Quintos nang sa kanila ibigay ng GMA Network ang role ng batang Pepito at batang Elsa respectively sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, nina Michael V. at Manilyn Reynes.

Pero ipinagpasalamat nila ang pagtitiwala sa kanilang gampanan ang roles nila matapos ang first season nito na umabot ng 10 years.

Nagpasalamat si Sef na alam na niya kung paano magtrabaho si Bitoy dahil matagal na silang magkasama sa Bubble Gang. Si Mikee naman ay natuwa dahil nakasama na rin niya at nakilala na si Manilyn sa katatapos nilang series na The Lost Recipe.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with