_pang-masa
^
Heart abala sa pagpipinta sa luxury brand
Heart

Heart abala sa pagpipinta sa luxury brand

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

Ang sosyal ng pinagkakaabalahan ay si Heart Evangelista.

Nagpipinta siya sa mga Louis Vuitton bag na makikita sa kanyang IG stories.

As in mga brand new ng nasabing luxury brand ang pinipintahan niya.

Nauna na siyang nag-post ng painting na natapos daw niya after two years. “Painting has always been my escape. I give my heart and soul to every painting and I just fall in love with the outcome. Here’s a piece I painted for almost 2 years #LoveMarie.”

Gerald at Julia, pinagsasawaan na?!

Lumalamig na ang kontrobersiya sa relasyon nina Gerald Anderson and Julia Barretto.

Baka nga pinagsawaan na rin kasi ano nga namang big deal kung may relasyon sila at nakikita si Julia sa resort ni Gerald.

Hahaha. Alangan namang hanggang social media lang sila.

Markus, Jhong, Baron, Ryan, iba-iba ang karanasan sa pagiging ama

Ibabahagi nina Markus Paterson, Jhong Hilario, Baron Geisler, at Ryan Agon­cillo kung paano nabago ng pagiging isang ama ang mga buhay nila sa anniversary episode ng Paano Kita Mapasasalamatan sa pangunguna ni Judy Ann Santos-Agoncillo na mapapanood sa Sabado (June 19).

Bagama’t 23 anyos pa lang si Markus, nagagawa niyang maging isang mabuti at maalagang ama kay baby Jude dahil sa tulong ng girlfriend niyang si Janella Salvador.

Natupad naman ang mga pangarap ni Jhong nang makabuo siya ng sarili niyang pamilya at mabuntis ang kanyang partner. Tulad ng pag-aaruga sa kanya ng kanyang tatay, gusto niya ring iparanas ito sa kanyang anak.

Marami namang natututunan si Baron bilang stepfather sa dalawang anak ng kanyang asawa, bago sila nagkaroon ng sariling anak na babae ni misis.

Labis din ang pasasalamat ni Ryan na katuwang niya si Juday sa lahat ng laban ng buhay bilang ama sa tatlo nilang anak.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with