_pang-masa
^

Nadine, umaming si James ang nagpu-push sa kanya!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

Nagbigay na ng pahayag si Nadine Lustre hinggil sa naging resolusyon ng Quezon City Regional Trial Court sa kasong isinampa ng Viva laban sa kanya kaugnay ng pag-terminate niya sa kanyang exclusive contract sa Viva Artists Agency.

Sa The Interviewer Presents online show ni Boy Abunda kung saan ay guest si Nadine, isa nga sa naitanong ng TV host sa aktres ay kung ano ang kanyang statement tungkol dito.

Maikli lang ang naging sagot ni Nadine tungkol dito.

“Well, tito Boy, I trust naman that Atty. Lorna (Kapunan, her legal counsel) can help me out on this and I’m just leaving it up to them,” pahayag ni Nadine.

Of course, isa rin sa naitanong sa aktres ay ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon ng ex-boyfriend na si James Reid at ayon sa aktres ay okay naman daw sila.

“Honestly, he’s just been pushing me, he’s actually the one lining up all the things, all of the projects for me which I’m really grateful for because I wouldn’t have done it without him, to be ho­nest,” ani Nadine.

Bagamat wala na sila ay nagsusuportahan pa rin daw sila at close pa rin sila.

In fact, ang Careless Music ni James ang music label ni Nadine producing her singles, albums and ito ngang huli ay ang virtual concert ng aktres na gaganapin sa July 3.

“We’re happy, we’re supporting each other, we’re pushing each other,” she said.

Sharon kumpleto na sa bakuna, walang pasabi kung babalik ng Pinas

Tapos na ng 2nd dose ng Moderna vaccine si Sharon Cuneta sa USA. Ipinost ni Megastar ang short video kahapon sa kanyang Instagram account kung saan ay makikitang tinuturukan siya.

Aniya sa caption, “fully vaccina­ted! Got my 2nd Moderna vaccine jab! Thank You Lord!”

Ipinost din ni Sharon ang good news sa muling pagbubukas ng California kung saan siya naroroon.

Aniya, sana raw ay bumalik na rin sa normal ang Pilipinas.

“CALIFORNIA REOPENS TODAY!!! Woohoo!!! Praise God!!! Thank You, JESUS! Sana po maayos na rin at bumalik na sa normal ang Pilipinas...God bless America. God bless the Philippines!!!” post ni Shawie.

Matatandaang biglaang umalis si Sharon patungong US last May 12 and few days after ay nagbakuna na siya ng first dose laban sa COVID-19­. Wala pang sinasabi si Megastar kung kailan siya babalik ng Pinas pero ngayong fully vaccinated na siya, baka naman pauwi na rin siya soon.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with