_pang-masa
^

Dongyan, ayaw pa ring mag-teleserye!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

Daig pa ni Dingdong Dantes ang nanalo sa lotto dahil napangasawa niya si Marian Rivera!

Sa isang interview, inamin ni Dong na napakasuwerte niya’t si Yan ang naging asawa niya.

“Masasabi kong napakasuwerte ko na siya talaga ang naging asawa ko kasi ginamit namin itong oras together and we’ve been so busy as individuals for the past. Siguro ako 20 years. Siya siguro 12 years sa pagiging active sa show business,” saad ni Dong.

Sa halos tatlong linggong naka-hiatus sa social media si Marian, ginamit nila ang oras na ‘yon para i-enjoy ang company ng bawat isa. Ang magandang katangian ni Marian ay lalong nakita ni Dingdong bilang asawa at ina kina Zia at Sixto nang magka-pandemya.

“Mas lumabas ‘yung pagiging mapangalaga niya. Pagiging patient at over all super mom to us and to the kids of course. That’s why masasabi kong sobrang suwerte ko talaga sa kanya,” rason ni Dingdong.

Kahit todo-hirit ang fans nilang magbalik-serye na, malamang na matagalan pa itong mangyari hanggang hindi pa normal ang lahat!

Sa panahon ngayon, mahirap ang magkasakit, huh!

Hayaan muna nating i-enjoy nina Dong at Yan ang isa’t isa kasama ang dalawang anak!

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with