_pang-masa
^
Nadine at Viva, tablado
Nadine

Nadine at Viva, tablado

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

Walang nanalo. Walang natalo.

Iyan ang maliwanag na desisyon ng Quezon City Branch 220,  na inilabas ni Judge Jose Paneda sa kaso ng Viva laban kay Nadine Lustre.

Hindi totoong masasabit agad si Nadine at ang naka-schedule na niyang concert. Matutuloy pa rin iyon pero kailangan niyang bayaran ang 40% komisyon ng Viva sa kikitain niya sa concert na iyon, dahil maliwanag nang sinabi ng korte na hindi maaaring basta kumalas si Nadine sa kontrata niya dahil ayaw na niya.

Pinirmahan niya iyon at hindi masasabing minor pa siya dahil kasali sa kontrata ang mga magulang niya. Maliwanag din sa kontrata na kung magkakaroon sila ng problema, kailangang iharap iyon sa isang arbitration committee.

Kung iyong arbitrator ay korte, mga kinatawan ng DOLE, o sino man ay hindi maliwanag. Pero nagkasundo sila na ang desisyon ng arbitration committee ay final.

Ang sinasabi naman nilang panalo ni Nadine, na hindi naman talaga masasabing panalo ay nang hindi payagan ng korte ang kagustuhan ng Viva na mai-hold ang lahat ng ari-arian ni Nadine at maging ang pera niya sa bangko bilang panagot sa mga kalugihan ng Viva kung sakaling mapatunayan na nilabag nga ni Nadine ang isang valid contract, at sinasabi nilang danyos dahil nasiraan ang kanilang kredibilidad sa ginawa ni Nadine.

Ito ang maliwanag ngayon, sa lahat ng kikitain ni Nadine hanggang 2029, kukunin ng Viva ang 40% nilang komisyon, iyon ay kung hindi nila pipigilin ang mga proyektong tatanggapin niya.

Sinasabi naman ng kampo ni Nadine na maghaharap sila ng motion for reconsi­deration sa sinabi ng korte na sundin nila ang kontrata ng Viva, pero habang hindi nadedesisyunan iyon, maaari namang pigilin ng Viva ang lahat ng mga proyektong gagawin ni Nadine.

Bukod sa madedemanda na naman siya ng panibago, hindi pa siya kikita kahit na kaunti at mawawala pa nang tuluyan ang kanyang career.

Sa ngayon dahil sa kaso nila, at sa pandemic, mahigit na isang taon na rin namang jobless si Nadine.

Claudia, may konsiderasyon na sa bagong kanta

Magandang bata si Claudia Barretto. Kung titingnan mo maganda siyang ‘di hamak sa mas maraming artista natin sa kasalukuyan pang lea­ding lady nga ang dating, pero ang pinili niyang pasukin ay ang industriya ng musika. Noon daw kasing bata pa siya, mahilig siyang magsulat, mahilig na siya sa pakikinig ng musika.

Mahilig din siyang gumawa ng iba’t ibang tono na isinasaulo lamang niya, kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon ang naisip niya ay sumulat ng musika at maging isang singer.

Nasimulan na niya ang pagkanta noon, pero ngayon nga na napasok na siya sa Viva Records at saka lang siya nakagawa ng isang single na magiging available na sa publiko, iyong Nothing To Do.

Sa ngayon single lang pero magi­ging bahagi iyan ng isang album.

Nasabi rin niya na ngayon medyo nabago na nga ang timbre ng kanyang musika. Kung noong una ay nangingibabaw ang pagiging artist at gumagawa lamang siya ng musika na gusto niya, ngayon ay sinasabi nga niyang natanggap na rin niyang kailangang siguruhin din ang commercial viability ng kanta.

Hinanap namin ang kanyang kanta. Moderno ang dating pero matatanggap din siguro ng mga may gusto sa standard music. Tipong bebenta nga ang kantang iyan na ilalabas na bukas sa online music outlets.

Magbayad naman kayo kung gusto ninyong i-download o pakinggan. Huwag naman ninyong piratahin.

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with