_pang-masa
^

Alma, inayos na ang utang sa landlady

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

Tapos na ang isyu ni Alma Moreno sa landlady ng tinirahan niyang condominium dahil sa interview kay Theresa Grenard ni Raffy Tulfo, ibinalita nitong binayaran na ni Alma ang electricity bill na umabot sa P40,000.

Sa update ni Theresa sabi nito, nang lumabas ang first episode ng guesting niya kay Raffy, nagkaroon sila ng communication with Alma at nabayaran na nga ang electricity bill.

Sa tanong ni Raffy kung binayaran ba ni Alma ang kulang sa renta ng condo, sagot ni Theresa, hindi na niya siningil. “Wala na po ‘yun. Wala pong problema,” bagay na pinuri ni Raffy, mabait daw si Theresa.

Dahil tapos na nga ang isyu at nagbayad na si Alma, titigilan na siguro siya ng pamba-bash ng netizens.

Sef at Mikee, kumpirmado na 

Ipinakilala na sa 24 Oras  kagabi sina Sef Cadayona at Mikee Quintos na gaganap as young Pepito Manaloto (Michael V.) at young Elsa (Manilyn Reynes) respectively sa prequel ng Pepito Manaloto na Unang Kuwento. 

Nag-audition sina Sef at Mikee at isa si director Bert de Leon sa pumili sa kanila.

Nabalita na rin na kasama sa cast sina Gladys Reyes, Kokoy de Santos at Pokwang na mauuna nang mapanood sa The Boobay and Tekla Show  sa Sunday na. Anyway, nalungkot ang fans nina Mikee at Kelvin Miranda na kung tawagin ay MiKel dahil isang project pa lang ang ginawa ng tambalan nila, itinigil na ang kanilang love team. Successful naman daw ang The Lost Recipe, kaya umasa silang may follow-up project ang dalawa.

ALMA MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with