^

Pang Movies

Kasal ni Ara, parang gustong ilihim

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Kasal ni Ara, parang gustong ilihim
Ara

Halatang ayaw magpatalbog ni Ara Mina kay Lorna Tolentino sa FPJ’s Ang Probinsyano pagdating sa pang-aakit kay Rowell Santiago na gumaganap na pangulo sa nasabing serye.

Nilalambing niya si Rowell kasehodang lover boy din niya si Tirso Cruz III, ang problema lang ni Ara Mina ay may isa pang girl na kumukursunada kay Rowell, ang tennis player from Angeles City na si Maika Rivera.

Well, tingnan na lang paano sasagupain ni Ara ang mga gustong umahas sa pinupuntiryang si Rowell.

Balitang ikinasal na si Ara pero bakit kaya hindi masyadong maingay sa social media?

Alex, nami-miss ang mga kapatid

Nag-celebrate ng birthday si Alex Muhlach pero hindi katulad noong punung-puno ng mga bisita ang house apartelle niya sa San Juan. Bawal pa kasing magtipun-tipon kaya’t family lang ang mga bisita niya.

Nakakatuwa naman ang mensahe sa birthday cake ni Alex, tander birthday, ibig sabihin matanda na talaga ang tatay ni Niño Muhlach.

Masaya sana si Alex kaya lang nami-miss niya ang mga kapatid niyang sina Cheng Muhlach at Amalia Fuentes. Palagi raw may special gift sa kanya si Nena tuwing celebration ng kanyang kaarawan noong nabubuhay pa ito.

Salamat po…

Maraming salamat po sa DOLE sa ayudang ipinadala na P5K, malaking tulong po ito sa panahong ito ng kahirapan at maraming nawalan ng hanapbuhay.

Happy birthday…

Birthday greetings to June-born celebrities na sina John Estrada, David Licauco, Linda Rapadas, Sen. Bong Go, Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.

ARA MINA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with