_pang-masa
^

Pang Movies

MMFF, tahimik pa rin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Magkakaroon ba ng Metro Manila Film Festival this year?

Kasi parang wala akong naririnig na preparations, mga production na sasali, saka ano na ang balita sa mga sinehan?

Sayang naman na tuwing December looking forward ang showbiz sa filmfest na ginaganap.

Very busy ang mga artista at writers dahil parang ito talaga ang highlight ng showbiz. Sana naman magkaroon this year at maging maayos ang lagay ng mga sinehan.

Ang dami na ring sabik na makapanood ng bagong pelikula, mga artista na gusto uling umarte sa big screen, talagang kailangang may mag-jumpstart ng pagbuhay sa showbiz.

Hinihintay na talaga kung ano ang mangyayari sa darating na December kung ano ang mangyayari sa festival ng pelikula.

Mga singer at entertainer, nganga sa eleksyon

Dalawa sa source of income ng entertainers at mga singer, ang mga fiesta at eleksyon. Kasi nga ‘pag big fiesta, kailangan mo ng singers, performers, dahil sa mga tao na gustong manood ng show.

‘Pag election naman, ‘yung mga rally dapat kahit papaano merong singer o mga comedian para hindi mainip ang tao. Pero ngayon dahil sa social distancing at health protocols na sinusunod, siyempre wala na ang big crowd, wala na ring trabaho para sa entertainers.

Grabe, big election pa naman ang 2022 dahil presidential ang botohan, sana left and right ang big rally at mga miting de avance sa buong bansa, pero waley nga dahil sa COVID-19, talagang isa siyang malaking malas sa buhay ng lahat.

Kaya hayun, hintayan muna baka sakali namang medyo maging magaan next year. Kill joy talaga ang pandemic, pero look pa rin tayo sa bright side ng buhay, baka biglang isang araw, back to normal na.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with