^

Pang Movies

Hindi nag-audition sa Trese, boses ni Liza umani ng papuri at pamimintas!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Hindi nag-audition sa Trese, boses ni Liza umani ng papuri at pamimintas!
Liza

Nagbigay ng reaksyon ang manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa mga pambabatikos na tinatanggap ngayon ng kanyang alaga dahil sa boses nito sa Netflix animated series na Trese.

As we all know, si Liza ang napiling magsaboses sa lead character na si Alexandra Trese sa Tagalog version ng Trese. Kasalukuyan na itong napapanood sa Netflix at umaani na ng katakut-takot na reviews mula sa mga nakapanood na.

Actually, hati naman ang positive and negative reviews sa acting ni Liza. May pumupuri sa aktres at mayroon din namang pumipintas.

Isa sa negative comments ay monotonous daw ang tono ni Liza at hindi rin nila nagustuhan ang pagta-Tagalog ni Liza.

Pero marami rin naman ang nagsabi that Liza did a good job lalo na nga’t first timer siya sa ganitong trabaho.

Aware naman si Ogie sa mga negative and positive reactions at aniya ay ganun naman daw talaga, kung may natuwa ay mayroon din namang hindi.

“Kung may hindi nakagusto sa boses ni Liza, eh opinyon nila ‘yun. Kung paanong may opinyon din naman ang iba. Kung nagandahan sila sa performance ng tinig ni Liza Soberano, eh di maraming salamat.

“Sa mga hindi, wala rin naman tayong magagawa. Opinyon n’yo ‘yun,” pahayag ni Ogie sa YouTube vlog nila ni Mama Loi.

At hindi raw nag-audition si Liza sa Trese kundi handpicked siya talaga ng production team at very happy raw ang Netflix sa performance ni Liza.

“Siya po ang first choice bilang Alexandra Trese. Marami pa kaming dinaanan bago natuloy ito. Kung alam mo lang.

“Pero naramdaman namin sa mga staff ng Netflix, ay grabe ang pagmamahal nila kay Liza. Sobra! Lahat sila natuwa sa aming Viber group, natuwa sila sa naging performance ni Liza at hindi raw sila nagkamali na kinuha nila si Liza Soberano,” sey ni Ogie.

Aminado naman ang talent manager/vlogger/comedian na maraming artistang mas maganda ang boses kay Liza but the thing is, ang aktres nga ang napisil.

“Puwede namang si Regine Velasquez do’n, eh. Kaya lang hindi naman inalok si Regine. So, paano? ‘Di ba? Kung pagandahan ng tinig, maganda ang tinig ni Regine Velasquez kay Liza Soberano. Ba’t hindi siya kinuha ‘di ba? Parang ganu’n.

“Ibig sabihin ko, siguro, isang malaking factor kung boses ni Liza ‘yun. Kasi kahit ako naman ang producer, kunin natin ‘to para magkaroon ng mukha si Alexandra Trese,” sey pa niya.

“Nabasa ko lang kasi sabi, mas marami pa raw deserving kaysa kay Liza. Ang problema kasi, hindi kayo taga-Netflix. Sana taga-Netflix kayo para kayo nag-decide,” dagdag pa niya.

Paolo at Jennylyn, puro one take lang

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatambal ni Paolo Contis ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa one month special ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Matagal na natigil ang nasabing programa dahil sa pandemya at ngayon lang ulit magbabalik with fresh episodes.

Matagal nang magkasama sa GMA 7 ang dalawa pero ngayon lang sila pinagtambal sa isang show and Jen agreed to be paired off with Paolo with no qualms.

Isang romantic-comedy ang nasabing special na may titulong Last People on Earth. At palibahasa’y parehong forte ito nina Jen and Pao, one take lahat ang kanilang scenes. Kaya naman madali nilang natatapos ang taping at maaga silang napa-pack-up.

Sa July 18 na magsisimula ang pagbabalik ng Daig Kayo ng Lola Ko with Jen and Pao at mapapanood ito for four consecutive Sundays.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with