_pang-masa
^

Pang Movies

Alden, matagal nakipag-usap sa ama

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden, matagal nakipag-usap sa ama
Alden

Maagang nag-celebrate ng Father’s Day ang mag-amang Richard Faulkerson, kahit sa Sunday, June 20 pa ito. In between sa shoot ni Alden ng new endorsements niya, tinawagan niya ang daddy niya na puntahan daw siya sa condominium unit niya, kaya nasorpresa si Daddy Bae sa napakaraming cakes at balloons siyang dinatnan doon.

Iyon pala katatapos lamang ni Alden i-shoot ang kanyang endorsement para sa isang cake store for Father’s Day occasion.

Masaya ang celebration ng mag-ama dahil matagal ang pag-uusap nila. Natuwa si Alden na isang ‘TikTok influencer’ si Daddy Bae, na naikukuwento sa kanya, since hindi raw niya napapanood dahil wala siyang TikTok account. 

This weekend ay babalik muli si Alden at ang cast ng upcoming GMA Tele­babad series na The World Bet­ween Us. May ipinakikita nang nakaka­kilig na teaser ang serye at marami nang nagtatanong na netizens kung ano ang roles na gagampanan nina Alden, Jasmine Curtis Smith, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Ms. Jaclyn Jose, Glydel Mercado at sinu-sino pa ang bubuo sa cast?

Directed by Dominic Zapata, this July, mapapanood na ang The World Betweeen Us, pagkatapos ng 24 Oras.

Ken, nagpasalamat sa psychiatrist

Kung medyo nahirapan si Ken Chan sa family drama na My Special Tatay in 2018, inamin niyang mas mahirap ang role na ginampanan niya ngayon sa upcoming GMA Afternoon Prime na Ang Dalawang Ikaw. Nakaramdam daw siya ng mixed emotions nang unang matanggap ang offer ng GMA.

“As Boyet po sa My Special Tatay, isa po akong may mild intellectual disability, dito sa Ang Dalawang Ikaw mayroon naman akong split persona­lity,” wika ni Ken.  “Kaya para ma-achieve ko ang characters ko rito, sumailalaim ako sa masu­sing pag­ri-research, iba’t ibang workshops at consultations para malaman ko ang cha­racter ng taong may Dissociative Identity Disorder (DID).  Bale dalawang characters ang gagampanan ko, si Nelson, ang loving husband ni Mia (Rita Daniela) at Tyler, ang gun dealer na fiancé ni Beatrice (Anna Vicente).”

Nagpasalamat din si Ken kay Dr. Babes Arcena, ang psychiatrist na nag-guide sa kanya sa mga eksena niya during the taping para tama ang gagawin niya.

Mapapanood na simula sa Monday, June 21, ang Ang Dalawang Ikaw sa GMA pagkatapos ng Eat Bulaga.

Julie Anne, biglang naging dual ang role

Finale week na ngayon ng Heartful Café at natuwa ang fans ni Julie Anne San Jose at netizens, nang ma­ging dual role pa ang ginagampanan niya bilang si Heartful Fulgencio ang may-ari ng Heartful Cafe at ang actress na si Destiny Hope. Wala na raw problema, tiyak daw na si Heart na ang makakatuluyan ni Ace (David Licauco) na co-owner niya sa cafe, at si Destiny Hope naman kay Uno (EA Guzman), ang dating boyfriend ni Heart na bumalik. Tiyak daw na hindi nito babalikan si Heart.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with