_pang-masa
^
Ate Shawie nahilo, tumungga ng tequila sa pelikula mga sinehan malabo pang balikan ng manonood

Ate Shawie nahilo, tumungga ng tequila sa pelikula mga sinehan malabo pang balikan ng manonood

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 15, 2021 - 12:00am

Wala pang playdate ang ‘comeback’ movie ni Megastar Sharon Cu­neta na Revirginized pero naglabasan na ang ilang still photos.

Kung kasi sa mga sinehan ito ipalalabas, hindi pa puwede sa kasalukuyan though sinasabing magiging mas maluwag na ang GCQ (General Community Quarantine) beginning today pero walang advice kung papayagan na ring mag-operate ang mga sinehan.

Hindi raw kasi priority sa kasalukuyan ang pagbubukas ng mga sinehan.

Saka maraming mga sinehan na rin ang kino-convert na ngayon either resto or specialty store.

Habang ‘yung iba naman ay ginawang vaccination site.

Kaya nga raw malabo pa talagang makabalik sa dati ang sistema ng pelikula sa bansa lalo na nga’t parang adjusted na ang karamihan sa pano­nood sa mga digital platform tulad ng Netflix and HBO Go, iWantTFC, VivaMax at iba pa.

Mga bago rin kasi ang mga palabas at marami kang choices. Pati ‘yung mga dati mong hindi napanood sa mga sinehan, andun.

Sa Netflix nga pati ‘yung classic movie na Love Story, 50 years ago, andun pa.

Sa HBO Go naman, maraming DC movies at ang dami ring choices.

Matindi ring kalaban ng Tagalog movies / series ang K-dramas na favorite na nga ng maraming Pinoy fans kaya dapat na ring galingan ng Pinoy filmmakers ang atake nila sa mga gagawing pelikula kahit na nga pang-digital lang ito.

Anyway, going back to Ate Shawie, bongga nga ang mga lumabas na photos ni Ate Shawie with Marco Gumabao sa Revirginized. Shocking naman para sa ibang followers.

Sa caption ni Sharon : (Titigan nyo na pong mabuti. Kasi baka may liliit na po sa pics na yan. Hahahaha!) Pawiii!!! Nahilo ako! Ganito pala itchura natin dun hahahahaha! Namiss kita bigla! Ahahahahahahaha! Direeeeeek!!!!!! Kainiiiiiiis kaaaaaaaa pooooo!!!,” sabi niya na habang ang eksena ay nakikipagharutan at umiinom ng tequila.

Dagdag niya :  “OMG I have NEVER done this in real life (I don’t drink Tequila or anything else with alcohol! Hahahahaha!).”

At least for once, hindi wholesome ang nasabing eksena base sa photos ni Ate Shawie na kasaluku­yang nasa Amerika at nag-i-entertain ng mga possible project doon.

SHARON CU­NETA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with