_pang-masa
^
Carla, itinama ang âcancelledâ wedding ni Kris
Kris

Carla, itinama ang ‘cancelled’ wedding ni Kris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 15, 2021 - 12:00am

Kinorek ni Carla Abellana si Kris Bernal sa sinabing “cancelled/postponed” ang wedding nila ng fiance niyang si Perry Choi na dapat naganap noong June 5, 2021. Pero dahil sa surge ng infected ng COVID-19, hindi itinuloy ang kasalan na inamin ni Kris ay kanyang iniyakan.

Comment ni Carla, “Hindi naman “cancelled wedding.” Rescheduled lang” na nang mabasa ni Kris, ang sagot kay Carla ay “True!! Rescheduled or postponed or move lang!! Hehe!”

Wala pang bagong petsa na in-announce si Kris kung kailan matutuloy ang kasal nila ng fiance. Sa isang guesting niya sa Mars, nakuwento nito na kapag natuloy ang kasal, sila ng groom niya ang sasagot sa swab test ng kanilang mga bisita, kasama sa entourage at pati na mga supplier sa wedding.

Ang tantiya ni Kris, more or less 100 persons lahat ang sasagutin nila ang swab test at magsisimula sa meeting pa lang niya with the suppliers. Dagdag na gastos ito, pero kailangan para siguradong lahat ng nasa wedding ay safe.

Samantala, sa araw ng hindi natuloy nilang kasal, nag-dinner na lang sila ng kanyang fiance sa isang Japanese restaurant at pinag-usapan ang masaya sanang araw sa buhay nila.

Rated Korina, late airing ang bagong sked

Pinu-promote ng TV5 ang pagbabalik sa ere ng Rated Korina simula sa June  20. All new episodes ang mapapanood sa show ni Korina Sanchez na tiyak ikatutuwa ng loyal viewers ng programa.

Kaya lang, siguradong may magrereklamo nito dahil late na ang time slot ng Rated Korina dahil 10 p.m. – 11 p.m. Pero kung fan ka ni Korina at wala kang pinalalampas na episode, tututukan mo pa rin kahit late na ang airing nito. Lalo na kung magaganda and interesting episodes ang mapapanood.

Ibinalita na nga ni Korina na isa sa aabangang episode ng kanyang programa ay ang interview niya kay Manila City Mayor Isko Moreno at ang pagtatampok sa Manila COVID-19 Field Hospital na nasa Luneta ground. Puring-puri ni Korina ang instant hospital na magbubukas na this June.

KRIS BERNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with