_pang-masa
^

Underwear endorser, naka-trauma ang pagpapa-wax

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - June 15, 2021 - 12:00am

Dahil na rin sa mga klase ng pelikulang ginagawa niya sa kasalukuyan, at dahil sinasabi ngang kinukuha rin siyang endorser ng isang underwear brand, nagpunta ang isang male star sa isang derma clinic at nagpa-wax para maging malinis na raw ang kanyang “pubic area.”

Pero pagkatapos noon, sumusumpa siyang hindi na mauulit iyon. Hindi raw niya inisip na ganoon pala kasakit iyon at sa bawat batak ng wax, pakiramdam niya ay winawakwak na ang kanyang balat.

Pinapahiran daw ng wax ang areas na may buhok, patutuyuin nang kaunti at saka babataking bigla ang wax, na sa bawat batak pakiramdam mo ay nawawakwak din ang balat mo.
Bakit naman kasi pati iyon ay pinakialaman pa niya eh. Kung talaga bang kukunin siyang endorser, siguro naman may magagawa silang ibang paraan para mag-iba ang hitsura nun.

Desisyong pag-ayaw sa 2022 ni Ate Vi suportado ng fans

Nasiyahan ang fans ni Congresswoman Vilma Santos sa kanyang desisyong na huwag munang tumakbo para sa ano mang mataas na posisyon sa 2022. “Siguro nga sabi ko, may selfish motives din ang karamihan sa amin, dahil kung tatakbo siya at mananalo sa isang mas mataas na posisyon, lalong lalabo ang chances na mapanood namin siya sa pelikula. Fans niya kami eh, kaya ang hinahanap namin iyong pagiging aktres niya. Pero siyempre bilang fan, kung ang naging desisyon niya ay tumakbo sa kahit na anong posisyon, susuporta kami.
“Pero maski nga iyong paggawa niya ng pelikula eh, hindi na kami nagpipilit. Alam naming kung gaano siya ka-busy sa trabaho. Kahit na work from home siya ngayon, dinadala pa rin doon ang lahat ng trabaho niya. Hindi na rin naman siya kailangang magpagod nang ganoon. Hindi na rin naman niya kailangan.

“Siyempre malaking karangalan para sa amin kung ang idol namin maging presidente ng Pilipinas halimbawa, pero siguro ang excitement pareho lang din kung mapipili siyang National Artist. Kasi kami naman lahat mga fans niya eh, hindi constituents, kaya siguro iba ang tingin namin. Basta kami kung ano man ang maging desisyon ni Ate Vi doon kami,” ang mahabang pahayag ni Jojo Lim na presidente ng pinakamala­king fan club ni Ate Vi. Sila iyong fans ni Ate Vi na nananatiling nakasuporta sa kanya, hindi man siya gumagawa ng pelikula. “Maski nga pelikula hindi kami nag-i-insist, kasi wala namang mga sinehan. Kung may pelikula man, ipapalabas lang sa internet, hindi naman kumikita ang mga ganyan kasi limited lang ang audience. Halimbawa na nga ang mga Vilmanian, marami ang may edad na at hindi naman talaga gumagamit ng internet. Nasanay din sila sa big screen kaya papaano nila maa-appreciate iyong panonoorin lang nila sa computer o sa cellphone? Siyempre iba pa rin iyon, at saka ang fans, naiintindihan ang priorities ni Ate Vi,” dagdag pa ni Jojo.

Willie, dedma sa election 2022

Isa pang hindi kumikibo hanggang ngayon sa mga kumukumbinsi sa kanyang tumakbo sa 2022 ay ang TV host na si Willie Revillame. Gumawa pa ng isang short video si Presidente Digong para kumustahin si Willie, sabihin sa kanyang gusto ng presidente na maging senador siya, at iniimbita siyang mag-usap na sila.

Pero ipagpapalit ba ni Willie ang buhay niya ngayon na nakatutulong naman siya sa mga tao on his own at masaya pa ang kanyang buhay? Hindi naman siya abogado, ibig sabihin wala siyang interest sa batas. Nag-artista siya, maliwanag na entertainment ang kanyang interest at ipagpapalit ba niya kung ano man ang kalagayan ng career niya ngayon sa posisyon ng isang senador?

Iiwanan ba niya ang show business kung saan siya masaya at haharap siya sa isang trabahong napakalaki ang problema, lalo na’t kung iisipin na mayroon pang pandemya at baon ngayon ang Pilipinas sa napakala­king utang na ngayon lang nangyari sa ating kasaysayan?

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with