_pang-masa
^
Jayda, natupad agad ang pangarap
Jayda

Jayda, natupad agad ang pangarap

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

Handang-handa na ang music royalty na si Jayda para ibida ang kanyang talento sa pag-perform sa nalalapit na Jayda in Concert event, na magaganap na sa June 26 (Sabado), 8 p.m. at may re-run sa June 27 (Linggo), 10 a.m. sa KTX.ph, iWanTTFC, at TFC IPTV.

“Abangan ang different side ko and see me hopefully in my full element,” pag-iimbita ni Jayda na sinabi ring marami sa song numbers niya ay tila ikagugulat ng mga manonood. “Prepare to be surprised!” aniya na lumaki na sa entertainment industry bilang anak nina Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza.

Nito lamang June 1 nang ipagdiwang ni Jayda ang kanyang 18th birthday at tila isang malaking regalo ang nasabing concert dahil na rin sa ito na nga aniya ang pinaka-inaabangan niyang moment sa buhay niya. “Ito talaga ang dream ko since I was young to headline my own show.”

Makakasama niya rito ang Kapamilya artist na si KD Estrada at ang kanyang ina, ang OPM icon na si Jessa bilang special guests.

Kilala si Jayda bilang very involved sa kanyang mga proyekto bilang songwriter at nitong nakaraan ay bilang music video director at producer na rin. Ibinahagi niya na nagtutulungan sila ng director na si Frank Mamaril para matupad ang vision nila para sa concert na hatid ng ABS-CBN Events at Phenomenal Entertainment. Kasama rin dito si Iean Iñigo bilang musical director.

Isa na nga si Jayda sa maituturing na rising superstars ngayon. Bukod sa nalalapit na concert, kakalunsad niya lang ng patok na awiting  M.U. (Malabong Usapan) mula sa Star Music. Inilabas niya rin ang sariling komposisyon na  Paano Kung Naging Tayo noong Pebrero.

Mabibili ang tickets para sa  Jayda in Concert  sa KTX.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P499. May handog ding VIP tickets ang KTX na bukod sa concert ay magbibigay access din sa VIP party sa Zoom kasama si Jayda sa halagang P799.

Nauna nang sinabi ni Jayda na birthday treat niya ang nasabing concert, career milestone and creative experiment.  

Sinabi niya sa interview ng Metro.Style na “One of the advantages it has is I can connect with people, like people from other countries can watch me simultaneously. I think that’s really such an amazing thing. My reason for doing it is simply because it’s the next step for me. It makes so much sense. And I know there’s been a lot of clamor from my fans to hold an event like this so it’s kind of my gift to them, even though it’s my birthday.”

DINGDONG AVANZADO JESSA ZARAGOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with