_pang-masa
^
Malabong masapawan!
Beauty

Malabong masapawan!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

Para namang nakakatawa naman na sinasabing ang dami na raw agad project ni Beauty Gonzalez sa GMA 7. Sobra naman na para bang heto, si Beauty  lang ang puwedeng gumawa nito, kaya hinintay ang paglipat niya.

Puwedeng maraming bagay na role sa kanya, puwede rin na biglang nandiyan siya at swak ang mga bagong project na gagawin, pero hindi ibig sabihin sa kanya itatambak ang bagong roles. Sabi ko nga, ma-insecure ka ‘pag wala kang talent, naging pasaway kaya iniwasan ng production na makatrabaho, o talagang wala ka nang ning­ning kaya ayaw ka nang kunin.

Hindi naman nawala kahit kailan sa rating at laban ang GMA 7 kahit noon pa, na wala ang stars na naglipatan/lumipat, naglilipatan ngayon. Nagawa ng GMA 7 na maging stars sina Ken Chan, Ruru Madrid, at iba pang newbies na galing sa StarStruck. Kahit pa sabihing bigger stars ‘yung nasa kalabang networks, lumalaban pa rin ang stars ng GMA 7. Alam ng management ng network what is best, kaya magtiwala lang tayo.

For sure hindi madedehado ang dati nang stars sa loob ng network, ngayon pa, na parang ang matatag na lang ay GMA 7. Ngayon pa babaguhin ang mga formula na naging tagumpay naman all these years. Puwedeng magpasok ng bago, but sure ako, they will not rock the boat.

Celebrities pabonggahan sa house tour

Inggit na inggit ako sa mga celebrity na nagpapa-house tour.

Parang ang ganda-ganda, ang ayos-ayos at ang lalaki ng bahay nila.

‘Pag tinatawag ng mga anak ko na parang dorm o big dog house ang bahay namin, natatawa na lang ako. Kasi nga, dahil sa kakuriputan ko, ‘pag nag-renovate ako ng bahay, by partition. Ito muna, iyan muna, at nanghihinayang ako na totally i-break down ang bahay. By portion, kaya wala siyang total look. Tapos para bang malaking kulungan lang siya ng dogs ko na nagkalat sa salas, kusina at kuwarto. Para nga akong boarder na nakikitira lang, hah hah.

Kaya hindi puwede ang house tour, wala akong maipapakita, hah hah. Ano ang collection ko? Mga gamit ko?

Naku wala naman akong maipapakita sa house tour, at sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ng validation sa mga bagay na meron ka.

Dapat ba ipakita o ipaalam ang mga pag-aari mo? So what kung marami kang Hermes?

So what kung tambak ang shoes mo. Basta ang anumang bagay komporme sa kung anong gusto mo, ‘pag masaya ka sa bagay na nasa iyo, iyon ang mahalaga.

BEAUTY GONZALEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with