_pang-masa
^
Ivana, may ayaw na ugali sa kapatid na lumalaban sa sakit
Ivana

Ivana, may ayaw na ugali sa kapatid na lumalaban sa sakit

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

Nagkaiyakan si Ivana Alawi at younger sister na si Mona Alawi sa latest vlog ng una sa YouTube. Kasama ang isa pa nilang kapatid na si Hashim, may mga tanong ang magkakapatid na hindi pa nila natanong sa isa’t isa.

Matatandaang kamakailan ay ini-reveal ni Mona sa vlog ng ate niya na may type 1 Diabetes siya since 2011 and lately ay talagang lagi siyang naho-hospitalize because of high sugar level.

Sa tanong ni Mona sa dalawang kapatid kung ano ang ugaling pinakaayaw ng mga ito sa kanya, dito na nagsimulang maging emosyonal si Ivana.

“Hindi kasi, si Moawana, siya ‘yung type na person na sobrang lakas niya,” simula ni Ivana.

Patuloy niya, at a young age ay napakarami na raw pinagdaanan ng nakababatang kapatid.

“Ang dami niyang pinagdadaanan, na kahit ako, lagi kong sinasabi, ang dami kong pinagdaanan na experiences pero si Mona, mas marami siyang pinagdaanan kasi she’s been through pain at a young age, ‘di ba? And she’s been through so much,” ani Ivana na napapaiyak na.

At this point ay naging emosyonal na rin si Mona.

“Nagkakaroon na siya ng time lately na parang gusto na niyang mag-give up. Lagi niyang sinasabi, ’10 years na ‘ko nasasaktan na parang bakit ko pa ba itutuloy?’ ‘Yun lang ‘yung ayaw ko sa kanya,” ani Ivana.

Hindi naman daw mabilis mag-give up talaga si Mona since ilang years na nga raw itong lumalaban sa sakit. Pero nalulungkot daw ito minsan at napapagod na rin.

“Hindi naman siya naggi-give up na ‘yung dumarating sa alam n’yo na. Pero parang naaano lang siya, she’s losing hope na to become normal and to feel normal,” she said.

Nagbigay din si Ivana ng mensahe sa kapatid. Aniya, “always pray and we’re here for you and gagaling ka and you will be better.”

Sinabihan din niya ang kapatid na bawal mag-give up at magkakaroon pa raw ito ng 10 anak in the future.

Angel at Neil, nabiktima rin sa online shopping

Kantyaw ang inabot ni Neil Arce mula sa fiancee na si Angel Locsin sa kapalpakan nito sa pagbili sa online.

Ipinost ni Angel ang larawan ni Neil na hawak-hawak ang napakaliit na tasa.

“Nung pumalpak ka sa online purchase mong pinagmamalaki…” ang caption ni Angel at nilagyan ng hashtags na #salamatnalang at #kapefordwende.

Apparently, akala ni Neil ay malaki ang tasa sa picture pero nang dumating ay napakaliit lang pala.

Usually talaga ay ito ang nagiging problema ng buyers sa online purchase. Na akala mo ay malaki pero hindi pala. Kaya naman marami ang naka-relate sa dinanas ni Neil.

As we all know ay malapit nang ikasal sina Angel at Neil at kasalukuyan na ring nagpapagawa ng kanilang bahay na titirhan kung saan sila bubuo ng pamilya.

IVANA ALAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with