_pang-masa
^
Bea nagpapataas pa ng TF?!
Bea

Bea nagpapataas pa ng TF?!

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

Marami ang nagtataka kung totoo ba ang sitsit kaya walang project si Bea Alonzo ay dahil sobrang mataas ang talent fee na hinihingi nito?

Balita ring hindi mag-meet ang asking price ni Bea at GMA. May nagtatanong tuloy kung bakit mataas pang presyo ang gusto ni Bea gayung mahirap na ang buhay showbiz ngayon.

Hindi raw ba alam ni Bea na taghirap ang showbiz sa ngayon?

At halos ang lahat ay nag-uunahan sa trabaho?

Well, siguro darating din ang time na mapag-aaralan ni Bea at ng grupo niya kung ano ang kaganapan ngayon sa movie industry.

John, parang si Eddie Garcia ang sinusundan

May nagsasabing followers ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na mukhang si John Arcilla na ang pumapapel bilang bagong Eddie Garcia sa naturang serye.

Nailaglag niya si Lorna Tolentino na matagal nang umaasam maging first lady ng pangulo played by Rowell Santiago.

Maging si Richard Gutierrez ay binigyan rin ng problema.

Well, mukhang may karapatan si John dahil isa rin siyang premyadong aktor at may markadong movie na Heneral Luna.

Mukhang mahihirapang harapin ni Coco Martin si John sa kanilang pagtatagpo.

Mukhang sinusuwerte naman si Jane de Leon at nagkakainteres si Coco sa dalaga kesehodang ito ang pumatay sa asawang si Yassi Pressman.

Mukhang nakakapagod panoorin ang istorya ng Probinsyano, takbuhang umaatikabo ang grupo ni Coco pero wala namang direction kung saan patungo.

May nagkomento ngang minabuti pa raw nina Joel Torre at Shamaine Buenacamino ang lumaban sa mga rebelde na kalaban ni Coco. Napapagod na raw kasi sa katatakbo at sukdulang galit sa grupo ni Coco na ikinamatay ng anak na ginagampanan ni Yassi.

Naku paano kaya tutuldukan ang ending ng istoryang Probinsyano gayung marami pang unsolved problems?

Deborah, tinulungan ni Yorme

Nagpapasalamat ang aktres na si Deborah Sun dahil natulungan ni Manila Mayor Isko Moreno na makapasok ang anak niyang si Gemmalyn Salvador sa paaralan ng Maynila sa kursong Bachelor of Science in Nursing.

Maraming nakapansin na may soft spot naman talaga si Mayor Isko Moreno sa mga dating kapatid sa showbiz.

Happy birthday…

Birthday greetings to June-born celebrities: Alex Muhlach, DZRH Jun Soler, Gretchen Fullido, Van Rose Javier of Los Angeles, California, son of ex-beauty queen Rosemarie de Vera, Giovanni Javier, David Licauco and Gibo Teodoro.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with