^

Pang Movies

Boobsie, muntik magpakamatay

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Boobsie, muntik magpakamatay
Boobsie

Ang pagpapatawa ay nasa panlabas lamang na kaanyuhan ng isang tao at hindi natin alam ang kanilang mga pinag­daraanan sa buhay. Na sila man ay tao ring marunong masaktan, umiiyak at nakakaranas din ng iba’t ibang pagsubok sa buhay.

Mahirap ang papel ng isang comedian o comedienne lalo na kung sila’y dumaraan din sa krisis ng kanilang buhay. Take the case ng singer-comedienne-host na si Mary Jane Arrabis-Vallero na mas kilala bilang si Boobsie Wonderland, ang `Giant Baby. ’

Inamin sa amin ni Boobsie Wonderland na nagumon umano siya sa sugal noon na nagsimula lang umano sa tong-its sa mga burol hanggang sa umabot sa kanyang pagka-casino na kanyang ikinabagsak financially. There even came a point na gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay dahil sa kanyang mga pagkakautang sanhi ng kanyang pagsusugal. Pero sa halip na magpakamatay, na-realize niya na marami pa pala siyang blessings na dapat ipagpasalamat sa Diyos kaya siya’y nagising at nagbago.

Dumating din umano ang pagkakataon na sinubok din ang kanilang pagsasama ng kanyang mister na si Joselito Vallero na nauwi ng kanilang paghihiwalay ng pitong taon pero sila’y nagkabalikang muli. During those seven years ay nagkaroon ng ibang babae at karelas­yon ang mister ni Boobsie na nag-retaliate naman sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa isang tomboy. Pero pagkaraan ng pitong taon ay nagkabalikan silang mag-asawa at sila pa rin hanggang ngayon na umabot na ng 23 years kasama ang kanilang dalawang adopted sons na sina MJ (13) at Shot (10).

Boobsie was still a baby nang magkahiwalay ang kanyang parents dahil hindi gusto ng parents ng ama ni Boobsie ang kanyang ina kaya nagkaroon sila ng magkahiwalay na pamilya. Ang Cebu-based father ni Boobsie ay may limang anak sa second family nito at dalawa naman ang anak ng kanyang ina sa pangalawang mister nito. Ngayon ay pareho nang balo sa kanilang respective partners ang parents ni Boobsie na gusto sana niyang muling magkabalikan pero ayaw na umano ng kanyang ina ngayong matatanda na sila.

Boobsie got to reunite with her estranged father nitong 32 years na siya at iyakan umano ang nangyari sa kanilang mag-ama lalupa’t siya ang panganay na anak at sila’y magkamukha. Since then ay regular na umano ang kanilang komunikasyon ng kanyang father maging ng kanyang half-siblings sa kanyang ama na close umano sa kanya ngayon.

Aminado si Boobsie na sinubok umano siya ng Diyos dahil sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay pero nagbago na umano siya at maganda na muli ang takbo ng kanyang karera kahit nasa gitna pa rin ang lahat ng pandemya.

Although naka-pending pa rin umano ang kanyang shows sa PAGCOR at maging sa ibang bansa, may tatlo siyang programa na pinagkakaabalahan ngayon sa bakuran ng Net25, ang Happy Time, Eat Singing Time at Ke Saya Saya. “Pinikit lang ako ng Diyos,” pag-amin pa niya.

Claudine at Mark Anthony, may pag-asa pang magkabalikan?

Nakapag-first shooting day na noong Friday, June 11, ang balik-tambalan sa pelikula ng dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, ang Deception na pinamamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan mula sa script ng writer-director na si Easy Ferrer.

Kasama nina Claudine at Mark Anthony sina Chanda Romero, Sheree Bautista (na siyang pumalit sa nag-back out na singer-actress na si Kara Madrid), Jaycee Parker, Rose Van Ginkel, Mayton Eugenio, Juliana Parizcova Segovia, Miggs Cuaderno, Gerald Santos, Yuki Melendres, Tori Topacio, Shaine Valdez, Jacq Yu at Jim Pabanco.

May ilang beses ding nagpapalit-palit ang iba’t ibang cast ng pelikulang Deception pero sa wakas ay nabuo rin ito sa tulong ng Viva Films na siyang partner sa proyektong ito ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

Ngayong magkasamang muli sina Claudine at Mark Anthony sa pelikula after 26 years, ma-rekindle kaya ang pag-iibigan ng dalawa lalo pa’t inamin ni Claudine na first love umano niya ang ama ng young actor na si Grae Fernandez?

Sina Claudine at Mark Anthony ay pareho na ring hiwalay sa kanilang respective partners, ang actor na si Raymart Santiago at non-showbiz na si Melissa Garcia.

Boss Claudine ang tawag ngayon ni Mark Anthony sa kanyang ex-girlfriend.

vuukle comment

BOOBSIE WONDERLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with