^

Pang Movies

Ate Vi umayaw agad sa Election 2022!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ate Vi umayaw agad sa Election 2022!
Ate Vi

Umayaw agad ang kampo ni Deputy Speaker Vilma Santos sa nominasyon para sa pagpipiliang president / vice president sa 2022 ng grupong Isang Boto, 1Sambayan.

Sa nabasa kong statement ni Ate Vi agad siyang nagpasalamat sa 1Sambayanan sa consideration na kumandidato siya sa 2022.

Aniya, naka-focus siya sa pagtulong sa vaccination program ng Lipa City.

Kasama sa pinangalanan para kumandidato sa 2022 - Pres. / VP sina -

VP Leni Robredo, Ex-senator Sonny Trillanes, Senator Grace Poe, CIBAC Rep Bro. Eddie Villanueva, Atty. Chel Diokno and Batangas Rep. Vilma Santos Recto nga.

Darren, umpisa na sa digital show

Bukod sa kanyang major digital concert, Darren Home Run, nag-umpisa na rin si Darren Espanto as ng TNT POP Show, ang bagong online show ng TNT that will feature the journey of kabataang Pinoy sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

Nag-premiere na ang TNT POP Show sa TNT microsite, TNT Facebook account, and TNT YouTube channel last June 9, 5PM - succeeding episodes will be every Saturday at 5PM. “I am happy and excited to be hosting the TNT POP Show. Gaya rin ng ilan, I pursued my dream to become a performer by joining different talent contests. I believe that more Kabataang Pinoy like me have what it takes to thrive in show business by sharing their talent and uplifting story,” banggit niya sa isang interview bago pa nag-umpisang umere ang TNT Pop Show.

“I’d like to thank my Smart and TNT family for welcoming me. I’m so excited to be working with all of you. This is both a pleasure and an honor. And I’m so excited for everyone to see what we have in store for all the Kabataang Pinoy with big dreams.”

And other exciting content that will surely give saya vibes!

Rico at Maris sabay ring nagpaturok

Bakunado na rin ang mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Sinovac ang itinurok sa kanila.

Magkasama ring nagpabakuna sina Rico Blanco at Maris Racal.

“Jab well done” ang karamihan sa comment sa mga post nila.

Kasama sa A4 category ang mga artista kaya naman halos lahat ay gusto nang magpakabakuna.

Michael V. itinangging iiwan ang GMA

Itinanggi ng isang insider ng GMA 7 na lalayas na sa kanila si Michael V.

Ayon sa isang insider ng network, paano mangyayari ‘yun eh may kontrata si Bitoy sa kanila.

Ang besides, punong-abala raw ito sa prequel ng Pepito Manaloto at sa Bubble Gang.

Hindi nila alam kung saan nanggagaling ang chikang magbababu ito sa kanilang network.

So loud and clear, hindi niya iiwan ang mga Kapuso.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with