^

Pang Movies

Beauty, pila na agad ang mga trabaho sa GMA!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Beauty, pila na agad ang mga trabaho sa GMA!
Beauty

Sabi ni Beauty Gonzales, walang Kapamilya siyang kaibigan na sinabihan niyang lilipat siya sa GMA Network. Si Ellen Adarna raw nag-text noong araw na pumirma siya ng kontrata to congratulate her. But by now, alam nang Kapuso na siya dahil nakapirma na nga ng kontrata.

Sabi ni Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable, maraming project ang nakapila kay Beauty sa GMA at mauuna ang romance mini-series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette. Sa direction ni Adolf Alix Jr. na isang young Kapuso actor ang kanyang leading man.

May isa pang project si Beauty na makakapareha ang isa sa biggest star ng

Kapuso. Binanggit naman ni Beauty sina Gabby Concepcion, Dingdong Dantes, Alden Richards, at Dennis Trillo sa mga aktor na gustong makatrabaho.

Sa mga aktres naman, sina Marian Rivera, Carla Abellana, Heart Evangelista at Jennylyn Mercado.

“Idol ko si Michael V at pinapanood ko ang Bubble Gang. Alam ko ang names ng cast nito. I really wanted na makapag-guest sa Bubble Gang at gumawa ng rom-com,” sabi ni Beauty.

Alwyn, may paalala kay Jennica

Naantig ang puso ng mga nakabasa ng IG post ni Alwyn Uytingco para sa asawang si Jennica Garcia. Pinost ni Alwyn ang larawan ni Jennica na may hawak ng mga bulaklak ng sunflower at iba pang bulaklak, saka nagbigay ng mensahe. “Ang dami ko gustong sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan... mahal na mahal kita.”

Ang payo kay Alwyn ng netizens, personal niyang sabihin kay Jennica ang gusto niyang sabihin para personal nitong maririnig. May mga nag-push din na gawin niya ang lahat para sila’y magkabalikan para muling mabuo ang kanilang pamilya.

Jasmine, makakasama na ni John Lloyd

Si Jasmine Curtis-Smith ang pinahuhulaan ng Crown Artist Management na bago nilang talent. Eyes, chin, bibig at silhouette photo pa lang ng aktres ang pinost sa Instagram account ng Crown Artist Mgmt nakilala na agad kung sino ang bagong talent nina Maja Salvador, BF nitong si Rambo Nu?ez, mom ni Rambo at iba pa nilang business partners.

Sa teaser na inilabas, ang hashtag nila ay #JASanotherQueen at consistent sila sa hashtag. Kasama kami sa nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng letter “A” sa “JAS.”

Anyway, siguro naman maayos ang paalam ni Jasmine sa manager niya for the longest time na si Bechay Vidanes na lilipat siya sa management nina Maja at Rambo. Magtataka ka lang kung bakit umalis kay Betchay si Jasmine.

Ito rin ang management ni John Lloyd Cruz na sa GMA-7 ang comeback project na co-produced ni Willie Revillame at GMA. Sa Kapuso rin may kontrata si Jasmine at puwede silang magsama ni John Lloyd sa isang project.

Matatanong si Jasmine sa rason ng paglipat ng management sa mediacon ng The World Between Us na malapit-lapit na rin dahil sa July na ang world premiere ng teleseryeng tampok sina Jasmine, Tom Rodriguez at Alden Richards.

Kili-kili ni Marian, pinagkaguluhan

May sariling buhay at career ang mapuputing kilikili ni Marian Rivera dahil nang i-post ng aktres ang photos ng comeback niya sa Instagram na naka-swimsuit at kita ang kili-kili, pinag-usapan ‘yun.

Maputi at makinis daw ang kilikili ni Marian, nasa kanya na raw ang lahat at wala na siyang itinira sa iba. “Perfect” daw ang kili-kili nito. May nag-comment pa ng “your armpit is brighter than my future” “kilikili palang panalo na” at “grabe nakakasilaw ang armpit,” “kilikili is life” at iba pang cute comments.

Pinusuan ni Angel Locsin ang post ni Marian na may caption na “In silence and stillness...” na pagbabalik din ni Marian sa IG after a three week hiatus.

Natanong si Dingdong tungkol dito, pero sabi nito, mas maganda kung si Marian ang sasagot. “But as a family, sometimes it’s nice to take a step back, you relax, detox, you re-evaluate, you need to slow down, chill for awhile. ‘Pag energize na, sabak uli. Kailangan ito pampalakas ng katawan at isip,” pahayag ni Dingdong.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with