^

Pang Movies

He’s into her nina Donny and Belle isa sa pinakapinag-usapang palabas sa Instagram

Pang-masa
He�s into her nina Donny and Belle isa sa pinakapinag-usapang palabas sa Instagram
Donny and Belle

Number 6 sa The Social Wit List  

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng He’s Into Her, ang pinakabagong youth-oriented series ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na isa ito sa mga palabas na pinakapinag-usapan sa social media nang umabot ito sa number 6 sa TheWit.com’s Social Wit List, ang listahan ng mga palabas na pumatok at tumabo ng posts sa Instagram noong Mayo. 

Nakapagtala ito ng 26,000 Instagram followers na nag-abang ng pilot episode sa iWantTFC, TFC, A2Z, Kapamilya Channel, and Kapamilya Online Live, ayon sa TheWit.com, ang website na pinagkakatiwalaan ng mga producer at brodkaster sa buong mundo para sa impormasyon tungkol sa dekalidad na mga palabas sa telebsyon at online.  

Umapaw naman ang emosyon ng cast sa mainit na pagtangkilik ng kanilang viewers sa virtual thanksgiving party na ginanap noong Mayo 10 (Huwebes).

Ibinahagi ni Belle ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga boss ng ABS-CBN, sa kanilang direktor na si Chad Vidanes, sa manunulat ng nobela na si Maxine Lat, at head writer at creative producer na si Vanessa Valdez.   

“This is quite a journey. Noong una, walang naniniwala but they were all their supporting me. Thank you sa cast for being so amazing,” dagdag pa ni Belle. 

Hindi naman inakala ni Donny na magiging maganda ang samahan ng cast. “Wala naman kaming prior projects. Everyone proved our doubters wrong. It’s not just that, mas nag-excel pa kami,” he said. 

Maaalalang naging most downloaded app ang iWantTFC sa bansa nang mag-premiere ang palabas sa nasabing platform.    

Panoorin ang He’s Into Her  sa iWantTFC sa tuwing Biyernes, at  sa Kapamilya Channel, A2Z, TFC at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment tuwing Linggo.   

Faith, excited sa Hermanas...

Hindi na maitago ng Kapuso actress na si Faith da Silva ang kanyang excitement na maipalabas na ang GMA Afternoon Prime drama series na Las Hermanas.

Sa nakaraang interview, ikinuwento niya ang naging paghahanda para sa karakter na si Scarlet, “Aside from workshops for my acting, nag-start ako mag-meditate, I kept working out. Before mag-start ‘yung lock-in taping, I was so pressured so I think nakatulong sa akin ‘yung pag-woworkout ko because naging confident ako. In this project, ibibigay ko talaga lahat ng meron ako, ibibigay ko ‘yung buong puso ko.”

Dagdag pa ni Faith, nakaka-relate raw siya sa role na ipinagkatiwala sa kanya dahil sa totoong buhay ay malakas din ang kanyang loob at determinado siyang makuha ang gusto.

Ibinahagi rin niya kung anu-ano ang mga inimpake para sa nagdaang lock-in taping, “Ang dami kong dinala talaga! Mayroon akong blanket. Pescatarian ako, ang pinakamarami ko sigurong nadala is pagkain, healthy na snacks, Okra chips ko, lahat ng mga healthy na puwede kong dalhin na hindi masisira agad, dinala ko na.”

Makakasama ni Faith sa Las Hermanas sina Albert Martinez, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Jason Abalos, Jennica Garcia, at marami pang iba. 

vuukle comment

DONNY PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with