Beauty, certified Kapuso na
Certified Kapuso na si Beauty Gonzalez.
Kahapon ay ipinakilala na siya as Kapuso sa isang media conference.
Though may idea na ang karamihan sa kanyang paglipat ng network, wala pala siyang sinabihan sa dating mga Kapamilya niya.
Pero aminado si Beauty na pressured siya sa pagiging Kapuso lalo na nga at galing siya sa teleseryeng Kadenang Ginto.
Bago nag-GMA, napanood muna siya sa I Got You sa TV5 ng Brightlight Productions.
Nararamdaman naman daw niyang aalagaan siya ng GMA 7. “I promise that this is the new Beauty, a different Beauty that (people can) expect from me,” aniya.
Sa PBB Teen Edition nag-umpisa si Beauty na minsan nang napabalitang magiging Kapuso at naudlot pero ngayon ay opisyal na.
- Latest