_pang-masa
^

Pang Movies

Sexy movie ni Mayor Goma, pinag-usapan ng mga bagets

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sexy movie ni Mayor Goma, pinag-usapan ng mga bagets
Mayor Goma

Alas-dos na yata ng madaling araw, tumawag sa amin ang isang aktres at ang sabi, buksan daw namin ang aming telebisyon dahil ang palabas ay isang pelikula nina Mayor Richard Gomez at Carmina Villaroel. At ang sabi niya, “iyan ang pelikulang pinaka-sexy si Goma.”

Tutal nagising na rin kami, binuksan na namin ang TV.

Marami ngang sexy scenes si Goma. Ilang eksena nga ba iyong nakasuot lamang siya ng underwear.

Maski naman mga pictorial noong araw ni Mayor, maraming ganyan. Isa iyon sa assets niya eh, sexy ang kanyang dating.

Iyon ang pantapat niya si mukha ni Aga Muhlach, dahil silang dalawa ang magkalaban sa popularidad sa mga leading men.

Kinabukasan iyon din ang nadatnan naming pinag-uusapan sa social media. Sexy daw pala talaga si Mayor Goma noong araw. Siguro mga kabataan iyon na hindi inabot ang kasagsagan ng career ni Goma.

Pero isipin ninyo, hanggang ngayon tangay niya ang image na iyon.

May nagsabi nga na si Goma ang pinaka-seksing mayor ngayon, kahit na sabihing nagpa-sexy rin naman sa mga pelikula noon ang Yorme ng Maynila.

John Lloyd / Bea movie, bubuhayin muna

Nagbabalak pa lang noon si John Lloyd Cruz, nakapag-announce na sila na ang gagawin niyang comeback movie ay isang pelikulang kasama si Bea Alonzo. Nang ready na si John Lloyd, wala pa ang project kaya  nabalitang tinanggap niya ang isang indie.

Natapos na ang indie, mukhang wala pa ring nangyayari, sumama na si John Lloyd sa management ni Maja Salvador, na alam naman nating isa sa mga unang “nag-volt out” sa ABS-CBN at sumama kay Mr. M (Johnny Manahan) sa TV5. Nang mawala ang show sa TV5, may umugong namang hindi na siya welcome na magbalik sa ABS-CBN.

Ang sumunod, nakausap si John Lloyd ni Willie Revillame. Ayun, ang naging una niyang labas sa publiko – isang special show na ipinalabas sa GMA 7.

Tapos sinasabing may negosasyon na rin para siya maging Kapuso, bukod iyon sa sitcom na gagawin na niya sa primetime slot ng GMA.

Noong isang araw, narinig naming nakipag-meeting din si John Lloyd sa ABS-CBN, akala namin babawi na sila, pero iyong meeting pala ay para sa restored version ng isang pelikula nina John Lloyd at Bea noong 2010.

In fairness naman sa ABS-CBN, hindi talaga wise na gumawa ng pelikula hanggang hindi ka siguradong bukas na ang mga sinehan. Kagaya noon, pinagbukas ang mga sinehan pero binawi kinabukasan. Alangan namang gagawa ka ng isang John Lloyd-Bea starrer tapos ipapalabas mo lang sa internet.

Male starlet at mayamang bading, nag-staycation sa probinsya

Nagbakasyon ang isang male starlet sa isang city sa south. Kasi sobrang init na raw sa Metro Manila, at least doon malamig pa nang kaunti.

Kasama niya ang isang kaibigan niyang lalaki  rin. Nag-check in sila sa isang hotel. Sa pareho ring hotel, nag-check in ang isang kilalang rich gay.

Ilang ulit ding nakitang kausap at ka-dinner pa ng rich gay ang male starlet, pero obvious mag-isa lang siya. Wala ang kaibigan niyang kasama sa  kanyang staycation. Bale dalawang araw daw na nag-stay ang male starlet sa room ng rich gay, pero nang mag-check out na iyon, nagbalik na siya sa talagang room nila ng kanyang friend.

Magkasama na rin silang mag-dinner at mag-swimming. Ibig bang sabihin noon “double blade”?

RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with