_pang-masa
^

Pang Movies

Alden at Jasmine may halikan na agad!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Karamihan sa netizens na nakapanood sa short teaser na inilabas ng GMA-7 ng The World ­Between Us, nagustuhan ang teaser na ipinapakita ang almost kiss scene nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Si Alden as Louie ang nagbo-voice over sa short teaser na pangkiliti lang sa viewers dahil sa June 21 na ang world premiere ng teleserye.

Hindi lang maiwasang may mga hindi natuwa sa teaser kabilang ang ilan sa Aldub fans. Bakit daw isinabay ng GMA Network sa July ang world premiere ng TWBU eh, anniversary‘yun ng Aldub love team nina Alden at Maine Mendoza? Puwede naman daw August ang airing nito, sinadya raw ng network na July ipalabas para lalo silang inisin. Siguradong hindi alam ng mga taga-GMA ang tungkol sa anniversary ng Aldub at kailangan nang ipalabas ito para ipalit sa First Yaya na magtatapos na.

Mayroon namang pinersonal na naman si Jasmine at ang edad nito ang pinuntirya, as if naman may kiber si Jasmine.

May fan naman ni Tom Rodriquez na nagtanong kung bakit hindi kasali sa teaser si Tom?

Marami pang ilalabas na teaser na siguradong kasama si Tom at ibang cast ng serye.

Isabelle binura ang post sa bakuna

May mga netizen na nagalit sa mag-asawang Adrien Semblat at Isabelle Daza nang kanilang i-post sa Instagram ang larawan nilang suot ang cap na may nakasulat na “Vaccinated by Pfizer.”  Ginawa raw bragging right ng dalawa ang brand ng ginamit na bakuna sa kanila.

Kahit sabihin pang sa Hong kong (doon nakatira ang mag-asawa ngayon) nagpabakuna sina Isabelle at Adrien at kahit may nagsabing binili nila ang vaccine for a good cause, poor taste pa rin ang ginawa ng dalawa. Sana, nag-donate na lang daw ang mag-asawa.

Dahil sa backlash ng netizens, dinelete ni Isabelle ang kanyang post, pero nagalit na ang netizens. Dapat daw alam ni Isabelle na makikita ng mga Pinoy ang kanyang post at talagang magre-react lalo na at may isyu ng brand ng vaccine sa Pilipinas.

Ruby nakaiwas sa asian haters

Nakakaiwas si Ruby Rodriguez sa Asian ­haters na kasalukuyang nasa Amerika dahil sa mestiza siya at hindi mukhang Asian , lalo na at Filipino. Lalo na si Ruby na nagsa-subway siya going to her work , hindi siya mangangamba na baka sugurin na lang siya ng mga galit sa Asians.

Paliwanag ni Ruby, hindi naman sa hindi siya proud sa pagiging Pinoy, kaya lang, sa panahon ngayon sa Amerika, advantage sa kanya ang kanyang mestiza looks.

May kontrata sa Viva Artist s Agency si Ruby, ibig sabihin, babalik pa rin siya ng bansa at magsu-showbiz pa rin. Sa ngayon, sa Amerika muna siya nag-i-stay with her family at doon na rin nagtatrabaho.

Randy na kay Willie na rin

Natawa kami sa sinabi ni Willie Revillame sa Wowowin: Tutok to Win  kahapon na “narito na silang lahat” na ang tinutukoy ay sina director Bobot Mortiz at Rady Santiago na identified sa ABS-CBN.

Kasama na si direk Bobot sa creative team ni Willie at si Randy ay dating director ng Wowowin, nag-resign at bumalik sa ABS-CBN. Ngayon, host na ng singing competition sa TV5. Guest director ng Wowowin kahapon si Randy dahil on leave raw ang director ng show, kaya kay Willie muna siya.

In-announce na rin kahapon ni Willie na si direk Bobot ang director ng sitcom nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres na wala pang title. Primetime ang slot ng sitcom at siguradong ngayon pa lang inaayos na ng GMA Network ang time slot dahil wala sa original programming nila ang sitcom.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with