^

Pang Movies

Piolo ginawang katatawanan ang pagpapabakuna!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Join na rin si Piolo Pascual sa listahan ng mga artistang nagpabakuna kontra COVID-19. Ipinost niya sa kanyang Instagram Story ang larawan niya habang tinuturukan na talaga namang umani na naman ng katakut-takot na reaksyon.

Sa caption ay nagbiro pa si Piolo na ikinamatay daw niya ang pagpapaturok. “1st jab done... then I died (joke),” ani Piolo.

Sa larawan ay makikitang nakahubad ang long sleeves na shirt ni Piolo hanggang leeg at naka-expose ang kanyang dibdib at braso. At siyempre, ito ang mas pinagkaguluhan ng netizens.

Pero may mga netizens din na hindi nagustuhan ang joke ni Papa P.

“Not funny. Mahirap mag-establish ng vaccine confidence tapos magjo-joke pa nang ganyan. People are dying,” komento ng isa.

Sey naman ng isa pa, “agree this is not the time to joke about it. Sadly what we’re seeing here is the real Piolo unmasked.”

Another netizen remarked, “such an irresponsible statement kahit pa joke yan.”

Pero may mga nagtanggol din naman kay Piolo at sinabing ‘wag itong seryosohin at kaya nga joke lang.

Ken, inaming nagkanerbyos

Sa kanyang mahabang post sa Instagram ay idinetalye ni Ken Chan ang preparasyon na ginawa niya para sa kanyang karakter sa upcoming GMA 7 series na Ang Dalawang Ikaw.

Aminado ang aktor na noong una raw ay talagang ninerbyos siya nang mabalitaang gagampanan niya ang karakter na may DID. “I’ll be honest, when GMA told me that my next role would involve a character facing a Dissociative Identity Disorder, at the immediate news, I got initially nervous, I knew it wasn’t going to be easy pero sobra akong excited. It is a very sensitive topic kaya kinailangan kong mag-aral at masusing pag-research about this condition,” pahayag ni Ken.

At dahil nga hindi madali ang kanyang gagawin ay nagsimula na siyang maghanda para rito.
“Also, I really needed a workshop dahil hindi madali ang gagawin ko at gusto kong tama ang mensahe na mapapanood ng mga Kapuso viewers.

“Nanood din ako ng mga pelikula na may kinalaman sa DID. Nakatulong din sa akin at marami akong natutunan sa mga documentaries na napanood ko.

“Kasama din namin sa set si Dra. Babes Arcena na isang Psychiatrist para iguide ako sa mga eksena namin,” aniya.

Gagampanan ni Ken ang dalawang magkaibang karakter na sina Nelson at Tyler sa Ang Dalawang Ikaw kung saan ay kasama niya rin ang ka-loveteam na si Rita Daniela.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with