_pang-masa
^
Kung may JL/Andrea... Derek at Ellen, magkakaroon din ng show sa GMA?!
Andrea

Kung may JL/Andrea... Derek at Ellen, magkakaroon din ng show sa GMA?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 7, 2021 - 12:00am

Kapuso stars, tensyonado sa pagpasok ni John Lloyd!

“Handang handa na!” sagot ni John Lloyd Cruz kay Willie Revillame kahapon kung handa na ba siyang ma-in love sa official showbiz comeback ng aktor sa special show para sa isang shopping app after ng more than 4 years na pagiging inactive sa showbiz.

So kay Andrea Torres na kaya ‘yun?

Wheww, so fate kaya ‘yun pag nagkataon?

Kumpirmado ngang magpa-partner sila sa isang comedy show with Willie Revillame sa GMA 7.

Samantala, kuwento naman ng isang source, ‘inalok’ / binanggit diumano ni Derek sa isang executive ng network na bakit hindi na lang kunin ng GMA si Ellen.

Kaya may chance rin daw itong maging Kapuso sabi ng source.

Napapanood sa comedy show na John En Ellen si Ellen with John Estrada na isa sa mga producer ay si Derek sa TV5.

So puwede kayang ‘pantapat’ sa John Lloyd / Andrea ang Derek / Ellen team up?

Hahaha.

Well, baka nga nagbibiro ang tadhana sa kanila.

By the way, nauna nang inamin ni John Lloyd na naunsyami ang gagawin sana nilang comedy show sa Brightlight Productions ni former Congressman Albee Benitez para sa TV5. Sabi kasi ng isang source, hindi sila nabigyan ng timeslot kaya hindi ito natuloy.

Isa pang malaki ang chance na diumano’y maging Kapuso ay si Bea Alonzo na bongga ang offer na talent fee.

So sa Kapuso rin kaya magkakaroon ng reunion sina JLC and Bea?

Pero kung maraming excited, marami rin naman daw Kapuso stars ang natetensyon dahil baka mas lalo silang mawalan ng chance sa malalaking proyekto ng GMA ngayong may John Lloyd na at baka may Bea pa.

Diumano’y nagkakaroon sa kasalukuyan ng ‘reconstruction’ ang contract ng lahat ng Kapuso stars kaya maraming kabado sa mga pangyayari.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with