^

Pang Movies

Lloydie aminadong nalinawan na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni John Lloyd Cruz na bago pa man siya tumigil magtrabaho sa ABS-CBN ay napansin na niyang may pagbabago na at naiintindihan naman daw niya ito. “Before I stopped working for ABS-CBN, before I quit my contract, naiintindihan ko eh, kasi I was behaving rather badly,” ang pagtatapat ni Lloydie sa isang panayam.

“Naiintindihan ko kung bakit parang ilag sila and even the people, you know, medyo alangan din ‘diba? Mag-reach out sa’yo through text or through email or whatever. And mararamdaman mo na may konting hesitation and… so ayun, naiintindihan ko naman, naiintindihan ko,” patuloy niya.

Sa kanyang paglisan sa showbiz four years ago, ayon kay Lloydie ay basta’t nagising na lang daw siya mula sa disilusyon at nakita niya kung ano ang totoo. Na marahil ay bunga na rin ng non-stop na pagtatrabaho niya for 20 long years.

“Hindi siya pagod eh, it’s more of parang luminaw siya. Luminaw yung nasa harap mo and parang ganun lang—in a snap of a finger, nakita mo kung ano yung totoo… na parang ‘Wow.’ Parang nagising ka sa disilusyon, parang ganun. ‘Yun yung pinaka malapit kong—kung pano ko siya ma-de-describe.

“Kasi hindi siya tungkol sa isang araw na napagod na ako ayoko na mag- work. Parang as if I was betrayed by my own choices, because I didn’t know, I didn’t understand the whole process of my being there,” pahayag ng aktor.

Korina naguluhan kay JL

Still on JLC, naguluhan si Korina Sanchez sa mga sinabi ng aktor sa nasabing panayam kay G3.

Ang hindi naintindihan ni ate Koring ay ang statement ni Lloydie na “hindi siya pagod eh, it’s more of parang luminaw siya. Luminaw yung nasa harap mo and parang ganun lang—in a snap of a finger, nakita mo kung ano yung totoo… na parang ‘Wow.’ Parang nagising ka sa disilusyon, parang ganun.”

Ipinost kasi ni G3 ang quote na ito sa kanyang Instagram page at nag-comment dito si Korina.

“Hindi ko maintindihan…” ang komento ng broadcast journalist.

May mga sumagot naman na ganyan daw talaga si Lloydie sumagot sa mga interviews – malalim at hindi maintindihan.  May nag-advice rin kay Korina na basahin muna ang buong artikulo para maintindihan niya.

Ang iba naman ay nagpaliwanag kung ano ang take nila sa sinabi ng aktor.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with