^

Pang Movies

Ice at Chair Liza, ‘di muna priority ang anak!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ice at Chair Liza, âdi muna priority ang anak!
Chair Liza

Tila isasantabi na muna ng mag-asawang Ice Seguerra at Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño-Seguerra ang matagal na nilang pangarap na pagkakaroon ng anak.

Sa virtual media conference ng Pelikulaya Film Festival ng FDCP last June 1, nabanggit ni Chair Liza na pinag-uusapan talaga nila ngayong mabuti ni Ice ang tungkol sa pagkakaroon ng baby na matagal na nga nilang plano.

They’re having se­cond thoughts dahil sa law natin sa Pilipinas na mawawalan ng karapatan si Ice sa bata. “Imagine if we’re going to have a baby, so, pinag-uusapan po natin ngayon ito pong pagkakaroon ko po ng baby, kung papalarin po kami. It’s going to be Ice’s egg and I’m going to be the surrogate.

“But when this baby comes out, I’m going to be recognized as the mom, and Ice will have no right over our baby. Because wala po po tayong surrogacy law. And for us, that is something we should think about po sa society,” ani Liza.

Unfair naman daw for Ice na anak niya ang bata pero wala siyang karapatan dito dahil dito sa atin, kung sino ang nagluwal ng bata ay ‘yun ang biological mom. “And this is something that we’re thinking, pinag-uusapan  po namin ‘to lagi, paano po namin mae-ensure ‘yung rights?” dagdag niya.

Pinag-iisipan na rin daw nila na sa US na lang siya manganak if ever dahil aniya ay kinikilala roon ang marriage nila.

“And Ice will be the father and we will be recognized ng normal. Pero dito po sa atin, ang daming magiging kumplikasyon because of the situation,” she said.

Bukod pa nga rito ang pandemic na pinagdadaanan natin ngayon.

“Syempre, lahat po tayo may pinagdadaanang financial constraints, so, si Ice po, more than a year na rin pong walang work, so we’re both finding ways to maintain and sustain our life,” aniya.

Samantala, bilang selebrasyon sa Pride Month this June, FDCP will hold the 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival online from June 4 to 30. With the theme Sama-Sama, Lahat Rarampa!, this year’s PelikuLAYA aims to further empower the members of the LGBTQIA+ community through a lineup of local and international films, film talks and lectures, a drag yoga event, and musical performances.

Beginning June 4, a total of 23 subscription films can be viewed for only P99 on the FDCP Channel (fdcpchannel.ph), including the seven pelikulaya entries.

LIZA DIñO-SEGUERRA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with