_pang-masa
^

Pang Movies

Maxine, benta ang pagmamaldita

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Marami ang pumupuri sa acting ni Maxine Medina sa seryeng First Yaya. Epektibo palang kontrabida kahit sweet looking ang actress  / beauty queen na kahawig ni late Helen Vela.

Masaya raw sa taping ang grupo nina Gabby Concepcion, Pilar Pilapil at Sanya Lopez.

May nagkomento kung buhay pa raw siguro si late Kuya Germs (German Moreno), tiyak hindi niya tutulugan ang acting ni Sanya bilang kapareha ni Gabby.  Si Sanya ay pinaghirapang i-build up noon ni Kuya Germs sa programang Walang Tulugan kasama ang utol na si Jak Roberto.

Winwyn, inayawan ni Benjamin

Natameme si Winwyn Marquez noong ganapin ang wedding scene nila ni Benjamin Alves sa eksena ng ser­yeng Owe My Love na magtatapos na.

Aakalain mo bang nag-walk out ang aktor na si Benjamin dahil nalaman niyang ang karakter pala ni Winwyn ang nagplano kung bakit namatay si Pekto Nacua na gumaganap na ama ni Lovi Poe.

May inutusang nurse na nakarma naman nang sumabog ang sinasakyang kotse nang palitan ang gamot na ibinigay ni Benjamin.

May nagkokomentong paano raw hindi iiwanan ni Benjamin ang mapapangasawang si Winwyn sa kasuotan nitong red gown na animo’y kagagaling lang sa Santacruzan at tumuloy agad sa church para ikasal sa aktor.

Bumigay si Benjamin sa eksena at maging si Lovi ay napahanga kay Benjamin dahil may itinatago raw pala itong talent sa drama.

Si Benjamin ay summa cum laude noon sa University of Guam at nakaisip lamang na pumasok ng showbiz dahil sa pinsan niyang si Piolo Pascual. May negosyong flower shop ito with his loving girlfriend Chelsea Robato.

Barbara, hindi nagpaparamdam

Happy birthday kay Konsehala ng Talavera, Nueva Ecija na si Barbara Milano. Hindi na namin siya nabalitaan magbuhat pa noong sumalakay at pumuksa ang COVID.

Walang nakakaalam kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon dahil kahit nga sa tawag o text ay wala siyang reply.

Siguro mas pinili niyang harapin na ang election sa 2022.

Happy birthday din kay Ms. Clarissa Pascual Togohan ng Subic, Baliuag, Bulacan.

Ano kaya ang regalo ni Willie Revillame kay Tita Izang na malapit sa TV host?

MAXINE MEDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with