^

Pang Movies

Rabiya, handang maging single mom

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rabiya, handang maging single mom
Rabiya

Okay lang kay 2020 Miss Universe-Phi­lippines Rabiya Mateo na maging single mom siya. Ito ang pahayag ng beauty queen sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Boy Abunda Talk Channel online show.

Bilang single moms ang lola at mommy ni Rabiya, natanong ni Kuya Boy ang reigning MUP kung may fear ba siya na maging katulad ng mga ito.

Ayon kay Rabiya, of course, gusto niya siyempre ng kumpletong pamilya pero kung hindi raw mag-work out ang pagsasama nila ng kanyang partner, kailangan naman daw niyang i-establish ang kanyang sarili. “So, I can be independent as a woman, as a mother,” aniya.

“Of course, I want to have a complete family but more than you know, having a partner, I want a family that is happy.

“And kung hindi ko ‘yun makita sa asawa ko, then, I can be a single mother myself. I can establish my own home,” dagdag pa niya.

Samantala, kinumpirma ni Rabiya na show business naman ang kanyang susubukan and in fact, in the coming days ay pipirma na siya sa isang network. Kung anong network ay hindi na sinabi ng beauty queen at abangan na lang natin.

When asked kung may posibilidad ba na sumali siya ulit ng beauty pageant like Miss World for example ay natawa si Rabiya.

“Tito Boy, I’ve been reading a lot of comments. I remember, after I lost, nag-trending agad na “Rabiya for the world.” I was making jokes na hindi pa nga ok ‘yung paltos ko sa paa, gusto n’yo na naman akong sumali,” sey niya.

Pero hindi naman daw siya nagsasara ng pintuan. “Let’s give it like 2 years siguro, tito Boy. Let’s see, I’m not closing any door.”

Tito Sen, interesado sa VP

Usap-usapan ngayon sa showbiz ang deklarasyon ni Senate President Tito Sotto na open siya sa pagtakbong bise presidente ng bansa sa 2022 national elections. “I have to admit I’m thinking about it unlike other politicians who say they’re not running but on the day of registration nangunguna (they lead),” pahayag ni Tito Sen sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa ANC Headstart.

Isa pang naging rebelasyon sa nasabing panayam ay ang posibilidad na maging tandem sila ni Sen. Ping Lacson. Natanong kasi kay Tito Sen kung sino ang gusto niyang maging running mate if ever at binanggit ni Karen sina Sen. Manny Pacquiao, Mayor Sara Duterte at Mayor Isko Moreno. “First of all, I’m still considering it. If I do consider it, the number 1 on my list would be Senator Lacson. I know his capabilities. I know what he can do for the country. If he runs for President I will support him,” saad ni Tito Sen.

Nabanggit din ng Senador na nakatakda raw sana mag-meet nina Sen. Lacson and Sen. Manny Pacquiao ng Sunday evening para pag-usapan ang 2022 elections pero hindi na siya nag-elaborate pa tungkol dito.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with