^

Pang Movies

Kim, umaming nag-cheat!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, umaming nag-cheat!
Kim

Sa kanyang latest YouTube vlog ay sumabak si Kim Chiu sa Truth or Drink challenge kung saan ay sasagutin niya ang mga tanong sa kanya pero kung hindi niya sasagutin ay iinom siya ng inihanda ng kanyang team tulad ng toyo, soju, vinegar, brandy, wine, hot sauce, etc.

Kaaliw ang mga tanong sa kanya tulad ng nagpautang na raw ba siya sa boyfriend or naging boyfriend niya. Sagot ni Kim, “no, pasalamat na lang sa Diyos at mga naging karelasyon ko ay may pera naman sila.”

Isa pang tanong ay kung nagkajowa na siya ng pangit. “Hindi, hindi ako nagdyo-jowa ng pangit.”

Sa tanong na kapag inalok siya na lumipat sa ibang network ay tatanggapin ba niya, sagot ni Kim, “hindi, syempre solid Kapamilya tayo. You know naman that Kapamilya is going through something. Together as one, we can do this together. One day, we’ll see the light after the dark.”

“Yes” naman ang sagot niya sa tanong kung umihi na ba siya sa swimming pool. Ang lakas din ng “yes” niya nang tanungin kung nag-cheat na ba siya but of course, hindi na sinabi kung sino.

Nang tanungin naman kung sumuka na siya sa sobrang kalasingan ay umamin naman si Kim. “Dalawang beses lang ako nag-iinom sa buhay ko nang wasak. Birthday o Pasko.” Umamin siyang nalasing daw siya sa bahay ni Sir Deo Endrinal na head ng Dreamscape Entertainment. ‘Kaaliw ang sagot ni Kim sa tanong kung nasampal na ba siya nang totoo sa isang eksena at sinong artista ito. “Ay, oo. Ok lang. Glydel Mercado, (sa) Sana Maulit Muli, first teleserye. Ang sakit talaga! Pero du’n ko naman hinugot ang acting ko pero okay lang naman,” sey niya.

Dagdag pa niya, talagang todo-iyak daw siya after niya masampal at gusto na niyang umuwi ng Cebu. “Nagkulong ako sa kotse nu’n. After ng eksena, nagkulong ako, tumakbo ako sa kotse ko, Revo pa kotse ko nu’n. Tapos cryola talaga ako, gusto ko nang umuwi ng Cebu dahil sa sampal. Buti na lang, napigilan ko ‘yung self ko,” aniya.

Heart, aminadong kulang sa height

Sa Instagram Live recently ni Heart Evangelista ay may netizen na nagtanong sa kanya kung gusto niya ring sumali sa Miss Universe pageant.

Sagot ni Heart, of course ay gusto raw niya. “I would love to do something like that, to represent my country on a bigger platform with all these lovely ladies who inspire each other and can inspire the world and all the women watching,” sey ni Heart. Ang problema nga lang daw, kulang siya sa height. “But at this point, I really feel that the requirements are just not for me. Meaning, I am 5’2”,” sambit niya. Pagbibiro pa niya, kung sasali raw siya, baka raw umupo na lang siya parati.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with