^

Pang Movies

Jayda, sasabak din sa aktingan!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Singer-songwriter Jayda Avanzado is turning 18 today at bago pa man ang kanyang ika-18th birthday ay nag-sign-up siya ng management contract with Rise Artists Studios at kasunod ang kanyang pag-announce ng kanyang nalalapit na first major virtual concert billed as Jayda in Concert na nakatakdang ganapin sa darating na June 26.

Ang tickets to her virtual concert ay mabibili sa halagang P499 sa KTX, iWant TFC at TFC-IPTV.  May limited tickets priced at P799 na magkakaroon ng access para sa online VIP party with Jayda.

Ngayong nasa bakuran na si Jayda ng ABS-CBN, bukas na umano siya sa kanyang pagpasok sa acting career just like her popular parents. Open din si Jayda sa pagkakaroon ng ka-loveteam although hindi pa umano nya alam kung sino ang gusto ng kanyang management na ipareha sa kanya. 

Hindi kaya ang singer-actor na si Darren Espanto na naka-duet niya sa awiting Sana Tayo Na under Star Music noong isang taon?

Si Jayda ay only child ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Samantala, kinu-consider ni Jayda ang 17-year-old Huwag Kang Mangamba star na si Francine Diaz sa kanyang closest friend in showbiz and even consider her as her sister.

Nagsimula ang pagiging close sa isa’t isa nina Jayda at Francine nang magkatabi sila ng upuan sa isang flight from San Francisco, California. Sa haba ng flight from SFO to Manila, na­ging instant close ang dalawa at lalo pa umano sila naging close sa isa’t isa dahil sa pandemic na starring sa kanyang music video para sa latest single niyang M.U.

Claudine at Mark Anthony, sisimulan na ang Akusada

Akusada na ang titulo ng reunion movie project ng dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na pamamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan mula sa script ni Easy Ferrer. Ito’y joint venture ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

This weekend na magsisimula ang shooting ng nasabing pelikula kung saan din kasama sina Alfred Vargas, ang singer-actress na si Kara Madrid, singer-actor Gerald Santos at iba pa.

Choice ni Claudine si Direk Joel para magdirek ng kanyang comeback film at balik-tambalan nila ni Mark Anthony.

Unknown to many, magkaibigan ang turingan ng dalawa kahit matagal silang hindi nagkikita. Nang lumabas ng kulungan si Mark Anthony, si Claudine ang nagdala sa kanya sa Viva.

Parehong hindi sinuwerte sina Claudine at Mark Anthony sa kanilang buhay may asawa dahil pareho na rin silang hiwalay sa kanilang respective partners – si Claudine sa kanyang ex-husband na si Raymart Santiago habang si Mark Anthony naman ay hiwalay na rin sa kanyang ex-wife na si Michelle Garcia, ina ng young actor na si Grae Fernandez.

vuukle comment

JAYDA AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with