^

Pang Movies

Sunshine, hindi single parent ang turing sa sarili!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sunshine, hindi single parent ang turing sa sarili!
Sunshine

Kahit hiwalay na sila ng mister na si Timothy Tan, ayon kay Sunshine Dizon ay hindi naman daw siya single parent na maitutu­ring. “I don’t want to claim that title na single parent ako. Nakakahiya dun sa mga totoong single parent. Mag-isa lang silang kumikilos at gumagawa ng lahat ng paraan para sa mga anak nila. Ang setup ko is co-parenting. Somehow, I’m still blessed,” pahayag ni Sunshine sa kanyang panayam sa Cinema One.

Bilang ama ay ginagawa naman daw ni Timothy ang mga obligasyon at responsibilidad nito kaya happy naman daw ang kanyang mga anak. “Siguro what I can say na lang is I’m very thankful that he does what he has to do. He does his responsibilities and obligations well. My kids are happy na may daddy pa rin sila,” sey ng aktres.

May mga nag-iisip nga na nagkabalikan silang mag-asawa pero nilinaw ni Shine sa panayam naman sa kanya sa presscon ng Marry Me, Marry You few weeks ago na wala naman daw balikang nagaganap pero as co-parents ay okay naman daw ang kanilang relasyon.

Nilulutong project tuloy na!

May hinala na nga ba kaming may nilulutong project si Willie Revillame, John Lloyd Cruz at direk Bobot Ortiz nang makita silang magkakasama kamakailan. Matatandaang ikinuwento recently ni Willie na dinalaw daw siya ni Lloydie sa kanyang resort sa Puerto Galera at nag-usap daw sila nang masinsinan. Ipinost nga rin ni direk Bobot sa IG ang kanilang larawan.

Sa recent episode ng Wowowin ay inanunsyo naman ni Willie na special guest daw ang isang magaling na aktor sa special show ng ini-endorse niyang e-commerce platform on June 6 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Kahit walang pangalang sinabi si Willie ay obvious na si Lloydie ito dahil pinag-usapan pa nila ni Rhian Ramos ang mga naging pelikula ng aktor.

Kausap lang daw niya the previous night ang aktor at excited daw ito sa pagge-guest sa show. “Nakakatuwa dahil makikita natin siya ulit, one of the best actors in the planet,” sey pa ni Willie.

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with